Friday , November 15 2024

Sino ang dapat natin ibotong Alkalde ng Maynila?

SIMPLE lang at praktikal mga kababayan, ang dapat natin itanong sa ating mga sarili kung tayo’y naguguluhan pa kung sino ba talaga ang karapat-dapat na ihalal sa pagka-alkalde ng lungsod ng Maynila.

Sa tingin ko at sa aking palagay ay dapat maging basehan ang performance nito batay sa kanyang mga nagawang magagandang bagay sa nasabing lungsod.

Iisa lang ang kandidatong mayroon ng ganitong pruweba at ito’y walang iba kundi sa dating Mayor Alfredo Lim.

Sa kanyang termino bilang Mayor, tayo mismo ang mga saksing buhay sa kanyang ipinatayong dalawang unibersidad.  Ang City College of Manila (CCM) na ngayon ay kilalang Universidad de Manila na nagsimula sa Escolta St., at ngayon ay sa Mehan Garden.

Libre at wala kang babayarang matrikula kahit isang kusing. Naging inspirasyon ni Lim ang mga kapatid nating kapos-palad na meron namang utak nguni’t naging hadlang ang kahirapan dahil mataas nga ang bayarin sa matrikula.

Sinabi ni Lim na dapat nilang gawin ay panatilihing mataas ang kanilang mga grado at kung maaari ay magsunog sila ng kanilang mga kilay upang sila ay magtagumpay sa pag-abot sa anumang kursong nais nilang kunin.

Bukod dito, ipinatayo rin niya ang Santa Ana Hospital sa Sta. Ana, Maynila para rin sa mga Manilenyo na ‘di kayang magbayad at walang ibang rekurso kundi lakas ng loob.

Kahabag-habag ang mga nangangailangan ng atensiyong medikal na sa pakiwari natin ay naghihintay na lang ng kanilang kamatayan na hindi man lamang nalaman kung ano ang dahilan ng pagkamatay.

De-kalidad at world class ang nasabing ospital na puwedeng ikompara sa private hospitals pero libre at walang bayad. Maging sa mga aparato ay kompleto at centralized ang air-conditioning system.

Siya rin ang kauna-unahang Alkalde na nagbigay ng mga pribilehiyo sa senior citizens na kalaunan ay ginaya na rin ng ibang alkalde sa buong Metro Manila.

Sa kabilang dako naman ay itanong ulit natin sa ating mga sarili kung ano ang ating natatandaang nagawa ng incumbent mayor, Erap Estrada ngayong magtatapos na ang kanyang termino.

Iisa lang ang aking natatandaan at siguradong alam rin ninyo. Ito ay nang taasan hanggang 110% ang REAL ESTATE TAX sa unang araw niya sa city hall.

Sa structures ay parang wala, lalo ni wala ngang proposal at skeletal structure man lang na nagsasaad ng on this site will rise a 10000 storey building.

Hahaha!

Ang naganap nga ay rise ng buwis hindi building.

At ang mabigat, mandatory ang execution at hindi na dumaan o kinonsulta man lang sa konseho.

Laking pagsisisi rin ng vendors nang sila ay sinukatan ng kapirasong espasyo sa Divisoria, hindi po ito libre at inobliga rin silang magbayad sa city hall kada buwan para sa kanilang kubol.

Ultimo police clearance na police matter ay diretso na rin ang bayad sa city hall. Mahusay talaga si Yorme sa diskarte kapag pera-pera.

Iisa lang ang hinaing ngayon ng sinasabi niyang mga masa sa Maynila, akala daw nila, si Erap ay para sa mahirap, ‘yun pala’y nagpapahirap?

Hehehe…

Pulsuhan naman natin kung ano ang nagawa sa siyudad ng Maynila ni Cong. Amado Bagatsing. Meron din naman, itinatag niya ang KABAKAS ‘este’ KABAKA na hanggang ngayon ay ‘di natin malaman kung ano ang function at role nito sa ating lungsod.

History na sana si Mang Amado kung nagawa niya ang gusto niya sa monumento ni Gat Jose Rizal ‘e kaso hindi natuloy.

Mantakin ninyong isangguni sa Kongreso na patalikurin na lang ang monumento ng ating pambansang bayani!?

Llamado raw sa pagtakbo si Mang Amado… ‘yan ay kung ‘yung racing horses niya ang patatakbuhin sa San Lazaro at Sta. Ana?

Kunsabagay mga kaibigan, talagang mananalo sa timpalak ang dalawang mama. Panalo sa ubusan ng kuwarta.

Pero ang tanong, magkano naman ang magiging dibidendo sa mga taga-Maynila?

Hindi naman siguro papayag na soli-pera lang ang napakalaking ipinusta nila ‘di ba?

Kanino nila babawiin ‘yan? Natural at siyento porsiyento na sa atin din!

Kanino mo ngayon ibibigay ang iyong boto?!

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *