Sunday , December 22 2024

Customs broker natagpuang patay sa kotse

NATAGPUANG tadtad ng saksak at wala nang buhay ang isang custom broker sa loob ng kanyang sasakyan kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Kinilala ni Las Piñas City Police chief, Sr. Supt. Jemar D. Modequillo, ang biktimang si Benjamin Almenario Jr., ng Plaza Tower, U805, 1175 L. Guerrero St., Ermita, Manila, may mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para madakip at mabatid ang pagkakilanlan ng suspek.

Sa report kay Sr. Supt. Modequillo, base sa pahayag ng mga guwardyang sina Remil De Andres at Ariel Delira, kamakalawa dakong 11:45 p.m. habang sila ay nagpapatrolya sa parking lot ng Mary Mother Church sa Capitoline St., BF Resort Village, Brgy. Talon, Las Piñas City, napansin nila ang nakaparadang gray na Toyota Fortuner (ZEH-839).

Naghinala sila sa naturang sasakyan kaya ininspeksiyon ito hanggang makita nila sa loob nito ang walang buhay na biktima.

Nakuha sa katawan ng biktima ang suot niyang relong Tissot, dalawang gintong singsing at dalawang cellular phone, ibig sabihin intact ang mga personal na gamit ng biktima.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa trabaho ng biktima bilang Customs broker ang pagpatay sa kanya.

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *