Sunday , December 22 2024

MIAA GM Honrado ‘di magbibitiw sa brownout

INIHAYAG ni Manila International Airport Authority general ma-nager Jose Angel Honrado kahapon, hindi siya magbibitiw kaugnay sa naganap na limang-oras  na brownout sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 na nagresulta sa kanselasyon nang mahigit 80 flights.

“Service is our priority. If everytime there will be a problem, every month if you asked the official to resign, then buwan-buwan magha-hanap ka ng problema. You know, during my first three months in office, there was already a call for me to resign,” pahayag ni Honrado sa press conference.

Nauna rito, nanawagan si Senador Bongbong Marcos Jr., para sa pagbibitiw nina Honrado at Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya, sinabing ang da-lawang opisyal ay “disappointment.”

Ayon kay Marcos, ang kagawaran ni Abaya ay pinakamalaking pinagmumulan ng problema ng gobyerno. Ipinunto ni-yang ang limang oras na brownout ay isa lamang sa maraming insidente na nagpapakita ng kawalang kakayahan ng mga tao sa DoTC.

“With Secretary Abaya, I’m sorry but DoTC has been the source of so many problems and when he came in we had hoped we would be the one to rationalize his department but he has been a disappointment kasi walang maayos na nangyari,” pahayag ni Marcos.

Para kay Honrado, sinabi ni Marcos, ilang taon na niyang ipina-nawagan ang pagbibitiw ng nasabing opisyal. “I’ve been calling for his resignation for years. He does not know his job. I asked him during the Tanim-bala hearings what’s his job as a general manager and I remember him saying he coordinates but he does not control the people in the airport. So kung walang control bakit sya manager?” diin ni Marcos.

Pahayag ng senador, nabatid niya na si Honrado ay mayroong mahigit P1 bilyon intelligence fund ngunit sa kanyang palagay ay hindi nagaga-mit sa tama ang nasa-bing halaga. “Lampas sa P1 bilyon ang intelligence fund pero mukhang wala naman silang ginagawa. Mag-brownout lang, walang silang magawa, walang maayos na generator, 80 plus cancelled flights, anong klaseng patakbo ‘yan,” aniya.

Sa kanyang panig, si-nabi ni Honrado, “I res-pect the opinion of those who wish for me to resign. 

“If you feel that five-hour brownout is too long, we’re just so sorry,” aniya. “We didn’t want that to happen. Di namin akalain na mag-kakaproblema.”

Sinabi ni Manila Electric Company spokesman Jose Zaldarriaga, bumubuo na ang Meralco ng mga bagong hakbang upang mapigilang maganap ang katulad na sitwasyon sa hinaharap.

“We have a coordination meeting this morning with Eng. (Octavio) Lina (Terminal 3 mana-ger) and other officials. Based on the meeting, first the recommendation we saw was for the MIAA to provide us with some sort of a special protocol so we will have a faster access to key facilities in case of emergency situations,” ayon kay Zaldarriaga.

About G. M. Galuno

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *