Sunday , December 22 2024

Kasambahay binugbog, amo kalaboso

SWAK sa kulungan ang isang lalaki makaraan bugbugin ang 23-anyos niyang kasambahay dahil sa ilang linggong hindi pagpasok sa trabaho sa bahay ng amo sa nasabing lungsod.

Ayon sa pagsusuri ng Pasay City General Hospital, ang biktimang si Erwina Carolina ay nagkaroon ng hematoma o pamumuo ng dugo dahil sa pagbugbog sa kanya.

Samantala, nakapiit na sa detention cell ng pulisya ang suspek na si Bobbie Jazz Zacarias, ng 1979, Leveriza St., Brgy. 21, Zone 2, Pasay City.

Ayon sa ulat sa tanggapan ni Pasay Police chief, Sr. Supt. Joel B. Doria, naganap ang pananakit kay Carolino dakong 12:30 a.m.sa bahay ng suspek.

Napag-alaman, ilang linggong lumiban sa trabaho ang biktima dahil hindi siya pinasuweldo ng amo.

Ngunit nang bumalik sa bahay ng amo ay nagalit si Zacarias at siya ay binugbog.

Makaraang magpagamot sa ospital ay inireklamo ng biktima sa Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Pasay City Police ang suspek na agad inaresto ng mga awtoridad.

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *