Monday , December 23 2024

Singaporean tumalon mula 5/F ng condo

PATAY ang isang Singaporean national makaraan tumalon mula sa ikalimang palapag at bumagsak sa lobby ng tinutuluyan niyang condominium sa Pasay City kahapon ng umaga.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Kee Kian Eng, 48, ng Unit 5L, 5th floor, Montecito Residential Resort Condo, Resort Drive, New Port City, Villamor ng naturang siyudad.

Sa ulat sa tanggapan ni Pasay city police chief, S/Supt. Joel B. Doria, naka-duty sa lobby ang guwardyang si Jay Mayor nang nakarinig siya nang malakas na kalabog sa bahagi ng hardin ng naturang condominium sa unang palapag dakong 5:20 a.m.

Dali-dali niyang pinuntahan ang lugar upang alamin ang pinagmulan nang malakas na kalabog at tumambad sa kanya ang duguan at nangingisay na Singaporean .

Agad siyang humingi ng tulong sa kanyang mga kasamahan at isinugod sa ospital ang biktima.

Ngunit habang nilalapatan ng lunas ay binawian ng buhay ang biktima dakong 7:30 a.m.

Patuloy pang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente upang mabatid kung may kaugnayan sa negosyo o personal na problema ang pagpapakamatay ng dayuhan.

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *