Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Broadcaster hinoldap ng call center agent (Sa loob ng simbahan)

HINAMPAS sa ulo ang isang broadcaster ng silyang kahoy ng isang call center agent at inagaw ang kanyang bag habang taimtim na nagdarasal sa loob ng prayer room ng isang simbahan sa Muntinlupa City kamakalawa ng hapon.

Nilalapatan ng lunas sa Muntinlupa Medical Center ang biktimang si Yvone Rebeca, 50, broadcaster ng hindi pinangalanang network, at residente ng Muntinlupa City.

Kinilala ni Muntinlupa police chief, Sr. Supt. Nicolas Salvador ang suspek na si Garcia Agnes, 32, ng 10 Waling-Waling St., San Antonio Valley 17, Brgy. Talon 4, Las Piñas City, nakapiit na sa detention cell ng pulisya.

Base sa ulat ng pulisya, dakong 5:30 p.m. kamakalawa nangyari ang insidente sa loob ng prayer room ng Saint Jerome Parish Church sa Brgy. Ayala Alabang Village.

Sa panig ng suspek, sinabi niyang nagawa niyang holdapin ang biktima dahil gipit siya sa pera dahil baon siya sa utang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …