Friday , July 25 2025

Mariel, inabuso ng amain

NAGLIPANA pa rin ang mga taong mapang-abuso! At kahit sa mismong loob ng bahay mo, naroon na rin sila!

At sa istoryang ilalahad sa episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) na mapapanood ngayong Sabado, tampok si Mariel Pamintuan sa katauhan ni Sally, sarili niyang ina pa ang nagtakwil sa kanya sa ginawang kalapastanganan ng kanyang amain na ilang beses siyang ginahasa.

Sa edad na anim, naging biktima na ng pangmomolestiya ng kanyang tiyuhin si Sally ngunit pinili itong itago para maprotektahan ang mga kapatid.

Matapos ang ilang taon, muling umibig ang nanay niyang si Lydia (Sunshine Cruz) sa kapatid ng namayapang asawa nito—ang isa pang tiyuhin ni Sally na siya namang muling wawasak sa kanyang pagkatao.

Sa kabila ng pinagdaanan, magkakalakas ng loob si Sally na sabihin sa kanyang ina ang panggagahasa sa kanya ng amain. Ngunit muling guguho ang mundo ng dalaga dahil imbes na kampihan, mismong ang ina pa ni Sally ang tatakwil sa kanya at aakusahang nagsisinungaling.

Ang mga co-star nina Mariel at Sunshine sa nasabing  episode ay sina Ronnie Quizon, Alex Medina, Carla Martinez, Lander Vera Perez, Laiza Comia, Lance Lucido, John Steven de Guzman, Micah Muñoz, Jennifer Mendoza, Noel Colet, Maila Gumila, at Erin Ocampo. Ang episode ay sa ilalim ng direksiyon ni Raz De La Torre at sa panulat ni Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya,  MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

BAGONG SINGLE NI JAMIE, ANGKOP NA ANGKOP SA HALALAN 2016

WALA naman daw sa hinagap ng Inspirational Diva na si Jamie Rivera ang pumasok sa politika o tumakbo sa kahit na anong posisyon.

Pero nagbigay ng opinyon ang puso at utak niya sa mga lirikong nilapatan ng musika sa bago niyang napapanahong single na Pag-Isipan Mo (Ang Boto Mo) na official theme song na rin ng Star Music para sa Halalan 2016.

“Non-partisan ang  kantang ginawa ko. Na nagmula na rin naman sa pagtatanong-tanong ko sa mga nakakahalubilo ko bata man o matanda sa gusto o pipiliin nilang presidente at iba pa. Lahat ng qualifications wala sa iisa lang na kandidato. Kaya sabi ko, masasabi ko lang ang iboboto ko siguro ‘pag nakita ko na sa kanya ‘yung mga katangiang hanap din ng marami sa atin.

“Kaya ang nasa lyrics ng kanta ko parang dasal. Sabi nga kasi ni St. Augustine, singing is praying twice. At ang music is universal language. Kaya paalala rin ito sa ating mga kababayan na kilalaning mabuti ang mga iboboto nila dahil para sa kinabukasan ng mga anak at apo na natin ito. Para wala ng pagsisisi.”

Puwede ng ma-stream sa Spotify at i-download sa online music stores ang nasabing kanta gaya sa iTunes, amazon.com, starmusic.ph  abs-cbn store at onemusic.ph.

Tinanong ko si Jamie hypothetically kung tatakbo nga siya eh, anong posisyon ang gusto niya at ang una niyang ia-address na problema?

“Kung hindi Councilor sa barangay muna siguro. Kasi mag-aaral muna ako. Education. Traffic. Graft and corruption. Marami nga. Kaya in my own little way now, masaya ako na I can do this na parang nagsisilbi na rin sa ating mga kababayan.”

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Melai Cantiveros SexBomb girls Rochelle Pangilinan Cheche Tolentino Sunshine Garcia Jopay Paguia

Melai humingi ng tawad sa SexBomb girls

RATED Rni Rommel Gonzales PASABOG ang bagong All-Mama P-Pop girl group na MamaMo ng Surf2Sawa (na Prepaid …

Cris Villanueva Rhian Ramos JC Santos Meg and Ryan

Cris ‘di isyu pansinin o hindi ng mga batang artista

RATED Rni Rommel Gonzales GUWAPO, matikas, at dumaan noon sa pagiging teen matinee idol si Cris …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde baha

Sylvia lumusong sa baha, Arjo namigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng bagyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MARAMI ang humanga kay Sylvia Sanchez dahil hindi nito alintana ang mataas na …

Denise Esteban

Denise Esteban, game sumabak sa mga challenging na roles

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio KILALA si Denise Esteban bilang isang sexy actress na humataw ang acting career sa kasagsagan …

Fritz Ynfante

Penthouse Live director Fritz Ynfante pumanaw na

NAGLULUKSA ang buong entertainment industry sa pagpanaw ng veteran theater at film director na si Fritz Ynfante. Sa Facebook nakalagay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *