Thursday , December 26 2024

Ex-PMG Josie Dela Cruz kinasuhan ng Ombudsman sa unremitted GSIS loan amortizations

NAGPALAKPAKAN at naghiyawan ang mga empleyado sa Philippine Postal Corporation (Philpost) nang opisyal na sampahan ng kaso ng Ombudsman ang kanilang dating postmaster general dahil sa hindi pagre-remit ng loan amortization ng isang empleyado sa Zamboanga City.

Kasama ni Dela Cruz sa asuntong ‘yan ang dalawang iba pa na sina Bernardito Gonzales at Arlene Bendanillo nng PPC Zamboanga.

Ang kaso ay 15 counts ng paglabag sa Republic Act 8291 o GSIS Act of 1197.

‘Yan ay base sa reklamo ni Santos Pamatong Jr., na aniya’y hindi ini-remit ang kanyang bayad sa loan amortization na kinakaltas sa kanya mula Oktubre 2011 hanggang Disyembre 2012.

Mantakin ninyo, kinakaltasan ang suweldo ng empleyado pero hindi pala nakararating sa GSIS?!

Buong akala ng empleyado, bayad na ang utang niya sa GSIS pero nang i-check niya, ni hindi nabawasan ang kanyang utang?!

Sonabagan!

Hindi ba sobrang pagsasamantala na ‘yan sa empleyadong kinaltasan nila ang suweldo pero hindi ibinayad sa GSIS?!

Ikinatuwiran ni Dela Cruz na wala umanong pondo ang PPC para ibayad sa GSIS loan amortization ng empleyado.

‘E bakit pala nila kinaltasan ang sahod no’ng tao?!

Sa Section 15 ng GSIS Act of 1997, ang isang opisyal na mapatunayang lumabag dito ay makukulong ng isang taon at pagmumultahin base sa iuutos ng korte.

Para namang napakababang hatol niyan sa ‘paglulustay’ ng perang kinaltas sa suweldo ng isang empleyado.

Wala na bang mas mabigat pa riyan?!

Anyway, sa kasalukuyan ay nagdiriwang ang mga empleyado ng Philpost dahil kahit paano ay may natatanaw na silang katarungan sa ilang panahon na sila ay nakaranas ng panggigipit at pagsasamantala dahil umano sa makasariling pagdedesisyon ng dating postmaster general.

Let’s just wait until justice is served.

RPL may exclusive toilet sa BI main office!

NITONG nakaraang Linggo lang, may isang may edad na ginang ang nakapaglahad ng kanyang masamang impression habang siya ay nag-a-apply ng kanyang dual citizenship diyan sa 4th floor ng BI main office.

Habang siya raw ay naghihintay ng tawag, naisipan daw niyang gumamit ng CR diyan mismo sa harap ng kuwarto ng dual citizenship.

Siya raw ay nagtaka kung bakit naka-lock ang pinto ng CR at laking gulat niya nang makitang pumasok ang isang naka-barong na lalaki at may bitbit ng susi ng nasabing CR.

Wala raw nagawa ang pobreng ale kundi ang bumaba pa ng isang palapag since ayaw naman ipagamit ang CR diyan sa 4th floor!

It turned out sa kanyang pagtatanong na ang lalakwe ‘este’ lalaki pala na may dalang sariling susi ng toilet ay si former OIC and now Acting Training Chief Ronaldo P. Ledesma.

Pero bakit ba mukhang exclusive para lang kay RPL ang nabanggit na comfort room?!

Hindi ba dapat buksan ito para sa lahat ng mga empleyadong gaya niya lalo sa mga kliyente ng BI since ‘yan nga ay isang public office?!

Sabi nga ng ibang nakaaalam, kahit sina AssCom Gilbert Repizo at Abdullah Mangotara nga raw ay gumagamit pa ng CR na para sa lahat pero bakit kinakailangang may sarili pang CR si RPL!?

What is so special about him?

Meron ba siyang ayaw makita o ayaw ipakita?

Hindi kaya sharing with amiga lang niyang si Betty ang CR na ‘yan?!

Well, your guess is as good as mine!

Illegal terminal sa Lawton salukan ng pondo para sa eleksiyon

KA JERRY, ipinagmamalaki ng reyna ng illegal terminal sa Lawton na marami ang binibigyan nila ng pondo para sa eleksiyon, kaya kami pong mga driver at operator ang pinahihirapan. Marami po sa amin matagal nang buwisit sa reyna ng illegal terminal. Akala namin noon aayusin niya talaga an gaming terminal, ‘yun pala basta’t ayos ang kolek-tong niya bahala na kami sa buhay namin. Lord, talaga bang matagal mategas ang masasamang damo?! Pakitago lang po ang number ko. Salamat po. +63918412 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *