Friday , November 15 2024

Magdyowa inasunto sa paninira kay Fresnedi

IPINAGHARAP sa piskalya ng kasong libelo at paglabag sa Fair Election Act ang live-in partners na nahuling namimigay ng leaflets na nakasisira  sa magandang track records  sa serbisyo publiko ni Muntinlupa City incumbent Mayor Jaime Fresnedi.

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Gemma Aquino, 40, residente ng Purok 6, San Guillermo St., Bayanan, Muntinlupa, habang nakatakas ang kinakasama niyang si Raul Aquino, 36, residente rin sa nabanggit na lugar.

Samantala, dahil menor de edad ang tatlong naarestong kabataan na kasama ng mga suspek, inilipat sila sa kustodiya ng Bahay Pag-Asa, sa Tunasan, Muntinlupa, sa ilalim ng pamamahala ng Social Services Department.

Nabatid na dakong 10:20 a.m. nitong Sabado nang matiyempohan sila nina Jose Espineda Jr., Serge Preye at Joel Del Rosario, mga miyembro ng Public Order and Safety Office (POSO) na namimigay ng flyers sa Doña Anastacia Ave., Victoria Homes, Tunasan.

Nakompiska sa mga suspek ang dalawang bag na naglalaman ng 180 piraso ng leaflets na may mga nakasulat na malicious information laban sa alkalde at kanyang administrasyon.

Marami ang naniniwala na “disgrutled” na talunang politiko ang nasa likod ng black propaganda sa pagpapakalat ng leaflets ngunit walang basehan.

About Manny Alcala

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *