Thursday , December 26 2024

Bakit nagsisinungaling si VP Binay?

ILANG araw bago ang unang leg ng presidential debate, sinabi ni United Nationalist Alliance (UNA) presidential candidate Vice President Jojo Binay sa press at media na hindi na niya kailangang maghanda pa sa debate dahil wala naman siyang ibang gagawin doon kundi ang magsabi lamang ng totoo.

Pero lumitaw agad ang pagiging sinungaling ni VP Binay sa unang round pa lang ng debate nang kanyang sabihin na minana lang niya mula sa kanyang mga magulang ang karamihan ng kanyang mga ari-arian ngayon.

Ito ay sa kabila na hindi tugma ang kanyang sinabi sa isa niyang TV commercial na naglalarawan na wala silang kapera-pera noon para maipagamot sa ospital ang kanyang ina.

Ano ba talaga, Pareng Jojo, mahirap ba kayo dati o mayaman na talaga?

Kung nakalusot si Binay sa taumbayan sa kanyang naging sagot tungkol sa kanyang mga ari-arian dahil na rin sa limitadong format ng presidential debate, siguradong hindi niya malulusutan sa hukuman ang sinasabing kanyang nakaw na yaman na nagkakahalaga ng P16 bilyon na namatyagan ng Anti-Money Laundering Council (AMLC). Hindi pa kabilang sa multi-bilyong pisong ito ang mga nakatagong malaking halaga ng pera sa kanyang iba’t ibang kaha de yero.

Sa katunayan bago ang pag-freeze ng AMLC sa kanyang 242 bank accounts, nagawa pang makapag-withdraw ni Pareng Jojo ng P4 bilyon noong Oktubre ng nakalipas na taon.

Kung sagad sa buto ang pagsisinungaling ni Binay sa mata ng mga mamamayan at walang kagatol-gatol na pagkontra sa mga ebidensiya ng hukuman laban sa kanya, lampas-langit naman siya kung mangako sa naganap na debate. Isa sa kanyang mga pangako ang pag-alis sa income tax para matugunan kuno ang lumalalang kahirapan ng bansa. Komplikado ang isyu ng kalam ng sikmura at tila walang koneksiyon dito ang pagbasura sa income tax dahil walang mapagkukunan ng pondo ang gobyerno para ipangtustos sa mga panlipunang serbisyo.

Maihahalintulad ang katwiran ng bise-presidente sa lohika ni UNA senatorial candidate Alma Moreno na ang naging tugong solusyon sa paglaki ng populasyon ay huwag patayin ang ilaw sa gabi kapag magkatabi na sa kama ang mag-asawa.

Kung alerto ang isip ni Binay para malusutan ang kanyang mga kasalanan, tila nag-boomerang naman kay Liberal Party standard-bearer Mar Roxas ang kanyang binitiwang pahayag sa debate ukol sa krimen at ilegal na droga.

Nabatid natin na sa panahon ng panunungkulan ni Roxas bilang Interior secretary at tumatayo ring pinuno ng pambansang pulisya, tumaas nang 50% ang krimen sa buong bansa at talamak ang bentahan ng ilegal na droga sa 92 porsiyento ng mga barangay.

Ang naging obserbasyon tuloy ng marami, lumalabas na kinakausap lang ni Roxas ang sarili sa buong oras ng debate habang hindi naman dapat seryosohin ng mga tao si Davao City Mayor Rodrigo Duterte dahil imbes na mga isyu ng lipunan ang pag-usapan, nagawa pa niyang ibida ang kanyang “kargada” o “sandata ng pagkalalaki.”

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *