Saturday , March 7 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessa Zaragosa nagtaray sa flower shop sa Araw ng mga Puso (Kalokah!)

NAPAKA in bad taste naman ang ginawa ni Jessa Zaragosa na imbes maging role model sa lahat ay nagtaray raw sa isang flower shop sa araw ng mga puso.

Kuwento ng aming impormante na kailanman ay hindi kami kinoryente sa mga ipine-feed nitong news item sa amin.

Kasama ang kanyang dalagitang daughter na si Jayda, gumawa raw kamakailan ng eksena si Jessa sa kilalang flower shop nang makita ng singer-actress na blanko ‘yung card na nakalagay sa inorder na bulaklak.

Yes nawalan daw talaga ng manners si Jessa habang tinatalakan ‘yung tao sa flower shop. Siguro gusto niyang magpa-impress sa anak na sikat siyang celebrity kaya puwede kahit ano ang gusto niyang gawin.

Kaso mali siya, dahil una, wala siyang iniutos na lagyan ng valentine message ‘yung kinuha niyang flowers dahil ang feeling ng mga taga flower shop ay siya mismo ang magsusulat ng mensahe para kay Jayda. At para matapos na ang gulo ay nag-effort pa raw ‘yung supplier ng libreng flowers kay Jessa pero imbes mahimasmasan lalo pa raw nagtaray sa kanila ang medyo has been ng singer.

Tagahanga pa raw ni Jessa ang isa sa staff, at nang malaman ang ginawa ng idolo ay bigla siyang na-turn-off.

Well hindi na bago sa amin ang ugaling ito ni Jessa, na noon pa man ay inirereklamo na ng ilang mga nakasama sa industriya sa kanyang bad attitude o pagiging ilusyonada.

Madaling malunod sa kanyang kasikatan gyud!

GINANG NA OFW ANG MISTER WAGI NG LIBO-LIBONG CASH AT IBA PANG PAPREMYO SA SUGOD BROADWAY SA EAT BULAGA

Isang malaking suwerte ang dumapo o naging kapalit sa Valentine bonding ni Ginang Flordeliza kasama ang mister na OFW at dalawang anak sa Eat Bulaga noong Sabado.

Tama ang desisyon ng buong pamilya na manood nang live na pagtatanghal ng programa dahil isang malaking biyaya ang naghihintay para sa kanila nang araw na iyon nang palarin si Aling Flordeliza na mabunot ni Bossing Vic Sotto ang pangalan para maging winner sa Sugod Broadway.

Tulad ng mga past winner, tumanggap ng cash prize mula sa Coca-Cola, Puregold, Hapee Toothpaste si Flordeliza at wagi rin siya ng P15K mula sa Scratch It ng PCSO at $100 Dollars na galing naman sa Villarica Pawnshop sa kanilang Mahiwagang Box.

Pinagkalooban rin ang nasabing sugod bahay winner ng tatlong klase ng appliances courtesy of Hanabishi, pintura mula sa Davies Sun & Raint, dalawang brand new cellphone na Ulta Series 2 ng O+ at bonus cash mula sa Eat Bulaga na P50K na tulong financial ng nasabing number one and longest-running noontime show ng bansa.

May chance rin na manalo ng house and lot mula sa Lumina Homes kapag ang pangalan niya ang nabunot sa Grand draw.

PRINCESS CRUZ (RYZZA) HINDI MAGAWANG MAGSINUNGALING SA PANGULONG NANAY NA SI LEONA JACINTO, DIANA GUSTONG BAWIIN ANG ANAK SA “PRINCESS IN THE PALACE”

Kung hindi lang siya nahuli ni PSG Joey David (Aiza Seguerra) na kanang kamay ni Presidente Leona Jacinto (Eula Valdez) at kung hindi nagsabi nang totoo si Princess Cruz (Ryzza Mae Dizon) hindi babawiin ni Dian (Andrea del Rosario) ang sinabi niyang galing lang sila sa labas ng anak. Samantala ang totoo ay nakita niya palengke na nawawala dahil nawalay sa Pangulong nanay habang nagba-bonding ang dalawa sa palengke. Labis-labis na kasi ang pag-aalala ni Presidente Leona at nang tawagan si Diana para tanungin kung nasa kanya si Princess ay pinalabas ngang nasa kanya ang bata at natutulog lamang.

Medyo nag-iingat ngayon si Leona

Lalo’t gusto ng bawiin ni Diana sa kanya si Princess.

Gagawin ni Diana ang lahat para magkasama na sila ng kanyang anak na nawalay sa kanya nang matagal na panahon na kasalanan niya ang lahat. Kaya hindi niya masisi si Pangulong Jacinto na kumupkop kay Princess, kung hindi ibigay sa kanya ang anak.

Nag-invest ang Pangulo emotionally kaya mahirap sa kanya na magkahiwalay sila nito dahil sa pagsulpot bigla ni Diana sa buhay ng anak.

Demandahan na ba sa korte ang mga susunod na tagpo sa “Princess in The Palace?”

Abangan ‘yan sa pagpapatuloy ng

morning soap ni Ryzza Mae weekdays bago mag-Eat Bulaga sa GMA7.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Arron Villaflor Pater Noster

Arron Villaflor lalong dumami nagpapantasya

MARAMING beki ang nagpapantasya kay Arron Villaflor dahil talaga namang gwapo at flawless ang aktor/politiko. Subalit mas …

Bong Suntay Jasmine Curtis Smith Anne Curtis

Jasmine kinondena tinuran ni Bong Suntay laban kay Anne 

MA at PAni Rommel Placente GALIT na galit si Jasmine Curtis Smith kay 4th District Rep. Bong Suntay dahil …

Derrick Monasterio Elle Villanueva

Elle hindi pa handang pakasal kay Derrick

RATED Rni Rommel Gonzales APAT na taon na ang relasyon nina Elle Villanueva at Derrick Monasterio. Pero ayon …

Ashley Ortega Mavy Legaspi Carmina Villaroel

Ashley  pinasinungalingan pangingialam ni Carmina sa relasyon nila ni Mavy

RATED Rni Rommel Gonzales MAAYOS at maganda ang sitwasyon kina Ashley Ortega at Carmina Villarroel na ina ng boyfriend …

Judy Ann Santos Jack Jeffery Mommy Carol

Juday walang palya pagbibigay salo-salo sa kaarawan ng ina 

RATED Rni Rommel Gonzales TAON-TAON ay hindi pumapalya si Judy Ann Santos, katuwang ang mga kapatid …