Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, tuloy na ang paglipad bilang Darna

KUNG walang aberya ay ngayong araw ang alis ni Angel Locsin patungong Singapore para sa therapy niya sa spine at hanggang katapusan ng buwan siya mananatili roon.

In between ng therapy ay dadalo siya sa dalawang screenings ng Everything About Her, sabi ng aming source.

Puwedeng umalis si Angel dahil natapos na niya lahat ang tapings ng Pilipinas Got Talent Season 5 at sa Abril na ito magla-live na gaganapin sa Resorts World Manila.

Samantala, tinanong namin ang aming source kung anong update kina Angel at Luis Manzano, “wala eh. tahimik pareho, walang gustong magsalita.”

Tinanong namin kung sasamahan ni Luis si Angel sa Singapore, “ay hindi, iba kasama ni Angel. At saka busy si Luis, ‘di ba? Hindi naman siya puwedeng mawala ng matagal.”

At dahil tuloy-tuloy na ang therapy ng aktres cum judge ay tuloy na rin ang paglipad niya bilang si Darna, “sana makuha sa therapy, kasi siya talaga ang gusto ng lahat,” sabi sa amin.

Baka naman si Angel pa rin ang Darna pero may pagpapasahan na siya nito at ‘yun ang aabangan, tama ba Ateng Maricris?

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …