CUTE na cute ang ng mag-inang Jessa at Jayda Zaragoza habang nasa hapag-kainan ang mag-ina. Paano’y pinigilan ni Jayda na kumain ng chocolate cake si Jessa at talagang nagkapisikalan sila para lang hindi makakuha ang ina ng cake.
Bawal daw kasi kay Jessa ang chocolate dahil may acid reflux ang singer/aktres. Siyempre bawal din ang chocolates para sa mga singer tulad ni Jessa.
Teka, parang ang bilis-bilis lumaki nitong si Jayda.
Natatandaan ko noong nag-guest si Jessa kasama si Jayda sa KrisTV na kinanta nila ang Rolling in the Deep. Maliit pa noon si Jayda pero ngayon, dalagang-dalaga na at ang ganda-ganda.
Masuwerte ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa for having Jayda.
( TIMMY BASIL )