Monday , December 23 2024

Aaron, muntik nang iwan ang showbiz

091515 AARON

00 fact sheet reggeeMALUNGKOT na masaya si Aaron Villaflor sa pagtatapos ng All Of Me dahil sa walong buwan ay napakaganda ng nabuong samahan nila ng buong produksiyon, ”isa kaming masayang pamilya,” anang aktor.

As of now ay wala pang alam na next project si Aaron at umaasang magkaroon kaagad ng follow-up ang All of Me.

Open ang aktor na makagawa ng indi film na offbeat ang papel dahil gusto nga raw niya ng mga kakaibang papel, ”gusto kong mga mahihirap na papel, para makita ang ibang kakayahan ko,”sabi ni Aaron.

Samantala, nabanggit noon ng aktor na bago pala dumating ang Juan de la Cruz serye ni Coco Martin ay plano na niyang umalis ng showbiz.

“Sobrang nalungkot po talaga ako, kasi wala akong ginagawa noon at doon ako nag-decide na gusto ko ng mag-quit sa showbiz kasi hindi ko kaya (walang trabaho),” kuwento ni Aaron.

Walang alam ang Star Magic sa nangyayari sa kanya noon.

“Lately na lang po, kasi nahihiya ako, kasi feeling ko na kailangan kong maghintay, sa paghihintay ko, walang dumating kaya nalungkot ako ng mga panahong ‘yun, nabanggit ko rin sa manager ko na since wala naman akong trabaho, mag-aaral na lang ako siguro, pero hindi nilabanan ko ‘yung feeling ko.

“Siguro ganito rin ang nararamdaman ng iba, ganito rin ang nangyayari sa kanila.  Kaya humingi na ako ng tulong kay Lord na, ‘ Lord, ikaw na po mag-isip para sa akin kasi nahihirapan na po ako.’

“Sa awa ng Diyos, binigyan niya ako ng mga project at saka dumating ang ‘Juan De La Cruz’ (kasama si Coco). Pinakinggan Niya ‘yung dasal ko, ‘yung hinihiling ko at hayun doon na nag-start ang journey ko as an actor,” pagtatapat ng aktor.

Windang daw siya sa kaiisip sa araw-araw na wala siyang trabaho dahil nasanay siya na hindi natutulog dahil sa rami ng ginagawa simula noong mag SCQ (Star Circle Quest 2005) tapos biglang nawala.

“It’s a hard feeling for me and nalungkot talaga ako ng sobra, pero ngayon na sabi ko nga, nagsisimula palang ako, marami pa akong gustong gawin sa buhay at alam ko na hindi naman ako pababayaan ng ABS-CBN at ng Star Magic at Cornerstone (Talent Agency) dahil ginagawa ko naman ‘yung best ko sa mga project na ibinibigay sa akin,” pag-amin ng binata.

At ang natutuhan ni Aaron sa panahong jobless siya, ”patience is a virtue na kahit gaano katagal like sa nangyari sa akin, eight months (jobless), isipin mo wala kang trabaho, prayers of course and guidance of my parents na nakatulong din dahil siguro kung wala sila, malamang nag-drugs na ako.

“‘Yung parents ko talaga, they’re very supportive to me in my work, sa araw-araw na ginagawa ko and by this time na nandito ako sa industriya, nakapag-invest na rin ako, tumutulong ako sa kanila kasi dati sila ‘yung nahihirapan, so this time, ako naman ang mahirapan (give back). Kasi sila tumatanda na rin sila, kaya gusto kong ibalik ‘yung blessings na ibinigay nila, ayaw nila ‘yung term na ‘bumawi’

“Hardwork din talaga ang kailangan kasi kung puro hintay ka lang, wala ring mangyayari.”

3 TOWNHOUSE NA ANG NA-INVEST

Sa kabilang banda, naiiyak si Aaron habang nagkukuwento ng mga pinagdaanan niya noong wala siyang trabaho, hindi pa ba siya nakaka-move on dahil umiiyak siya?

“(Biglang napangiti ang aktor) Ganoon ako talaga kapag pamilya ang napag-uusapan, masyado kasi akong attached sa kanila kaya anything about my family, sobrang emosyonal ako talaga,” sagot naman ng aktor.

Natanong namin kung may investments na si Aaron, ”may tatlong pintong townhouses po, pinauupahan ng parents ko, sila na ‘yung nagma-manage kasi sila naman ‘yung may alam.”

Tinanong din namin kung katas ng All of Me ang pagpapatayo niya ng tonwhouses dahil walong buwan itong umere.

“Katas po ng lahat ng trabaho ko simula noong nag-artista ako,” mabilis na sabi sa amin.

At ang susunod niyang ipatatayo ay sariling bahay.

Pero hindi ibig sabihin ay mag-aasawa na siya kaya niya planong magkaroon ng sariling bahay.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *