Ilang segundo palang ipinost ni Pia ang sagot niya sa kanyang Twitter account kahapon ay trending na kaagad at talagang ang saya ng supporters ni Sam.
Sa twitter account ni Wurtzbach na may hastag #askmissuniverse ay maraming netizens ang nagtanong sa kanya at isa na ang kung sino ang gusto niyang leading man? “Sam Milby;) – Pia #askmissuniverse,” ang sagot ng dalaga.
Isa pang sinagot ni Pia ng diretso ay kung sino ang Filipina beauty na puwedeng maging Miss Universe, “I can think of a lot. But if I had to pick one.. Liza Soberano. She’s beautiful! – Pia #askmissuniverse
Maging ang girl crush niya ay sinagot din niya, si “Beyonce of course, from one queen to another -:) – Pia #askmissuniverse.
Bihira kaming magbasa ng posts ng mga celebrity maliban lang kung may isyu, pero kay Pia, naaliw kami kaya ipa-follow na namin siya dahil game siyang sumagot sa lahat ng tinatanong sa kanya ng netizens at nabitin ang lahat dahil kinailangan na niyang ng magpaalam, “thanks for chatting with me, I wish I had more time but I’ll be back soon. Mahal ko kayo- Pia.”
Samantala, napangiti raw si Sam nang iparating sa kanya na siya ang gustong leading man ni Pia at hindi na siya nag-comment pa dahil ayaw niyang makisakay sa kasikatan ngayon ni Miss Universe.
At dahil sa public announcement na ito ni Sam ay baka gawan ito ng paraan ng Star Cinema lalo’t may gagawing pelikula sa kanila ang aktor na hindi pa lang namin alam kung ano dahil on the works pa.
Sige kayo, baka maunahan pa kayo ni Mother Lily Monteverde na kinukulit na rin si Sam na gawin ang 2nd movie with Jennylyn Mercado, ano ito sequel ng The Pre Nup?.
Pero bago sumabak si Sam sa pelikula ay kailangan muna niyang mag-concentrate sa Doble Kara na balita namin ay extended at ginagawa rin niya ang Written In Our Stars na as of this writing ay wala pang airing date.
FACT SHEET – Reggee Bonoan