Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, ‘kumakambyo’ ‘pag kahalikan si Arci

013016 jake cuenca arci munoz

00 fact sheet reggee“How do I control (love scene with Arci Munoz), kambyo control, segunda mano o tersera, may moments talaga na nalo-loose mo ‘yung control kaya nagiging iba ‘yung mga kissing scene na ‘yan,” pagtatapat ni Jake Cuenca noong nang tanungin siya kung paano niya nako-control ang sexual tension niya sa leading lady na si Arci Munoz sa Pasion de Amor.

Ang mga naggagandahan at seksing babae at nagguguwapuhang mga lalaki ang isa sa dahilan kung bakit maraming nag-aabang sa Pasion de Amor kaya mataas ang ratings game at inabot na sila ng siyam na buwan.

Dagdag pa ni Jake, ”kahit hindi kami maghubad, pero nakikita n’yo na sexy ang eksena kasi feeling ko na lose mo ‘yung control at one point kaya makatotohanan na ‘yung eksena.

“Sa mga eksena namin ni Arci kailangang mag-work talaga kaya kapag kaeksena ko siya, nabibighani ako sa kagandahan niya, may halong kaba ‘yun, may halong oportunidad na mahahalikan ko ang ka-eksena ko.”

Minsan nga raw ay natatanong ni Jake ang sarili kung eksena o totohanan na ‘yung ginagawa niya sa programa.

Komento naman ni Arci na hindi kaagad nakasagot, ”siguro kaya maganda ‘yung mga lumalabas na eksena namin kasi nalalagyan ng katotohanan, pero wala namang malisya, pero (okay) lang kasi guwapo naman si Cuenkers (tawag niya kay Jake), maganda ang katawan, ‘pag nahawakan mo ang abs niya (sabay hawak).”

Hindi ba na-attract si Arci kay Jake?

“Guwapo naman si Cuenkers at sobrang bait, ano kasi kami, eh brothers kami. Pero malay mo ‘di ba, isang buwan pa ‘yung ‘Pasion’, malay mo may sunod na project pa kami ni Jake.”

Anyway, hanggang Pebrero 26 na lang ang Pasion de Amor at very proud na ipinagmamalaki nina direk Ruel S. Bayani na ni minsan ay hindi sila ipinatawag ng MTRCB dahil alam nilang kontrolin ang mga eksenang hindi puwedeng ipalabas sa 6:30 p.m..

ni REGGEE BONOAN

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …