Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Luis at Angel, naghiwalay dahil sa Darna

082015 Angel locsin luis manzano

00 fact sheet reggeeNALAMAN naming hiwalay na sina Angel Locsin at Luis Manzano at nag-post kami sa Facebook account namin ng, ‘feeling shocked ‘di ko kinaya, at saka ko na lang isusulat’ at isa si Luis sa nag-like.

Marahil alam na ni Luis na may alam kami sa kanila ni Angel kaya kinumusta namin siya at mabilis namang sumagot ng, “okay naman ate Regs” sabay hirit namin ng tanong tungkol sa kanila ni Angel, pero hindi na kami sinagot pa ng binata.

Hindi namin kaagad isinulat ang balitang ito dahil kaka-office lang namin na ibig sabihin ay nasita kami dahil sa mga pinagsusulat namin.

At ayaw naming masabihang kontrabida kami dahil kaka-ere palang ng Pilipinas Got Talent Season 5 na parehong kasama sina Angel at Luis sa programa bukod pa sa ayaw naming maka-apekto sa pelikulang Everything About Her na pinagbibidahan nina Governor Vilma Santos-Recto, Xian Lim, at Angel.

Anyway, tahimik lang sina Angel at Luis sa balitang ito dahil simula pa lang ng PGT5 sila naghiwalay.

Pero hindi nila kayang itago ang gusot nila dahil sa nakaraang premiere night ng Everything About Her noong Martes ng gabi ay pansin na pansing hindi nagtabi o inalalayan ni Luis si Angel dahil sina Senator RalphRecto, Ryan Phillippe, at Gov. Vilma ang kasama ng aktres

Sabi ng mga nakapansin, “its not like Luis kasi kilala natin siya na laging nakaalalay kay Angel, but that night waley.”

Ininterbyu ni MJ Felipe ng TV Patrol at Bandila si Luis tungkol sa balitang break na sila ni Angel, pero naringgan daw ang aktor na ayaw niyang magsalita on-cam at ayaw niyang sa kanya manggaling. Pero off-cam daw ay umamin si Luis sabi ng mga nakarinig.

Nagtanong kami sa mga taga-PGT5 kung ano ‘yung kuwento sa amin ng source na, ‘magtanong ka sa taping ng ‘ PGT5 kasi tuma-tumbling lahat ng staff dahil sa dalawa (Angel at Luis).’

Pero ikinatwiran sa amin ng taga-PGT5, “honestly ‘di ko alam, ayoko malaman kasi ayoko ma-involve, professional lang relationship namin sa kanila

Hindi ako nagtatanong. Para normal ‘yung pakikitungo namin sa kanila.”

Kaya ba naiyak si Angel sa Sunday episode ng PGT5       dahil sa paghihiwalay nila ni Luis? “Naiyak sa nagperform (Power Duo) ‘di naman dahil kay Luis.”

Nagulat talaga ang lahat dahil akala nila ay sa simbahan na ang diretso nina Angel at Luis lalo’t inaamin naman nila         na napag-uusapan na nila ito wala pa nga lang petsa at kung saang simbahan.

Hirit naman ng taong malapit kay Angel, “LQ (lover’s quarrel) lang ‘yan.”

Pero may mga sinabi sa amin ang mga taong malapit sa dalawa, “hindi kasi pabor si Luis na gawin ni Angel ang ‘Darna’ kasi nga kung gagawin ito, matatagalan ang plano nilang pagpapakasal.  At saka concerned si Luis sa health ni Angel, kasi nga delikado at saka paano kung hindi magka-anak si Angel?”

Sabi pa ng isa pang kilala ang dalawa, “hindi kasi puwedeng tanggihan ni Angel ang ‘Darna’ kasi nakakontrata siya plus the fact na ipinagagamot siya, kita mo nga, babalik siya ng February for 2nd procedure kasi siya talaga si Darna at walang iba. Kung ano-ano lang pinalalabas na gaganap na ‘Darna’ para inililigaw ang isyu hangga’t hindi pa nagagawa ni Angel ang 2nd procedure.”

Ikinatwiran ding kaya hindi natuloy si Luis na pasukin ang politika ay dahil mas binigyan niya ng halaga ang relasyon nila ni Angel kasi nga gusto na niyang magpakasal sila. Pero ang PGT5 judge ay biglang nabago ang plano dahil sa Darna.

May katoto kaming sumundot na,  ”hindi ‘yan, may na-diskubre sina Angel at Luis sa isa’t isa kaya nga mutual decision ang paghihiwalay nila, ‘di ba?”

Sabi naman ng taga-ABS-CBN, ”trial separation lang ‘yan, inaayos naman nila, pero hindi natin sure.”

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …