Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Negosyante patay, 8-anyos sugatan sa salpok ng kotse

PATAY ang isang negosyante habang sugatan ang isang 8-anyos batang babae nang salpukin ng isang sasakyan kahapon ng umaga sa Pasay City.

Agad binawian ng buhay bunsod nang matinding pinsala sa ulo at katawan si Mark Anthony Ventura, 32, ng Tramo 1, Parañaque City, lulan ng bisekleta nang salpukin ng kotse.

Sinalpok din ng kotse ang batang biktima habang naglalakad patungo sa kanilang eskwelahan.

Naisugod agad sa pagamutan ang batang si Nathalie, nag-aaral sa Rivera Village Elementary School, nagkaroon ng mga galos sa braso at bahagyang sugat sa ulo.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury at damage to property si Raymal John De Luna, 25, ng Las Piñas City, driver ng Mitsubsishi Lancer.

Base sa ulat ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong 7:03 a.m. kahapon sa panulukan ng NAIA Road at 5th St., Brgy. 194 ng lungsod.

Agad sumuko sa mga awtoridad ang suspek makaraan ang insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …