Monday , December 23 2024

100-day maternity leave ng empleyado dapat pag-aralan

00 Bulabugin jerry yap jsyHINDI natin alam kung seryoso ba talaga ang mga mambabatas sa pagsasabatas ng 100-day maternity leave sa public and private sectors o ginagawa lang nila ito dahil nagpapabango para sa eleksiyon.

Umabot sa 19 senador ang bumoto pabor sa Senate Bill 2982 o ‘yung proposed Expanded Maternity Leave Law of 2015.

Kapag naging batas ang SB 2982, ang dating 60-days maternity leave para sa government employees at 60-78 days naman sa private sector ay magiging 100 days na, regardless of the mode of delivery.

Panukala ito ni Senadora Pia Cayetano, na hindi natin alam kung nagpapabango lang sa mga manggagawa at empleyadong kababaihan ngayong eleksiyon.

Paninindigan pa kaya ng mga mambabatas ‘yan ngayong nagsalita na ang Economic Confederation of the Philippines (ECOP) na magkakaroon umano ng implikasyon sa industriya ang nasabing panukalang batas?!

Aba, baka ang mangyari umano ay hindi na tumanggap ng empleyadong babae na may-asawa ang mga employer?!

Duda rin tayo kung papayag ang mga empleyado na gamitin ang 100-day maternity leave lalo na kung may panahon na wala na silang tatanggaping suweldo?!

Kung tutuusin ay hindi produktibo ang batas na ito sa ating bansa.

Mas makatutulong pa siguro kung magkakaroon ng isang public daycare para sa mga manggagawa o empleyado na walang mapag-iiwanan ng kanilang mga anak.

‘Yung walang bayad na daycare center at mayroong nurse, doctor at nurse aid na mag-aalaga sa mga bata o babies.

Sa mga ganitong proyekto siguro, baka tumulong pa ang mga employer.

Ang pinag-uusapan kasi dito ‘yung pagiging productive ng isang manggagawa na hindi maisasakripisyo ang kanyang anak at sariling kalusugan ng ina na bagong panganak pa lamang kahit nasa area of work siya.

Huwag sanang kalimutan ni Senator Pia na hindi sa haba ng oras napalalaki nang tama ang isang bata kundi sa quality time ng mga magulang at anak.

Sa kabuuan, tingin natin ay impratikal ang SB 2982 at hindi makatutulongsa ekonomiya ng bansa.

Mas mabuti sigurong pag-aralan mabuti ang panukalang batas na ito.

Mayor Digong Duterte suportado kuno ng FFCCCII

Natawa naman ako sa nabasang balita na suportado umano ng Federation of Filipino-Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCI) Inc., ang kandidatura ni Mayor Digong Duterte.

Weh? Hindi nga?!

Kayo namang mga taga-FFCCCII, bistado na ng sambayanan ang kartada ninyo.

Lahat ng kandidato tinatayaan ninyo!

Tingnan lang natin pagkatapos ng eleksiyon kung hindi agad kayo nakasuso kung sino ang mananalong presidente?!

Nagpapatawa pa kayo ‘e lahat naman talaga sinusuportahan ninyo.

Tell it to the Marines!

Puwede ba namang isa lang ang suportahan ninyo ‘e, lahat kayo mga negosyante?!

Tigilan ninyo ang panggogoyo sa sambayanan!

By the way, nagbabayad na ba kayo ng tamang buwis sa mga negosyo ninyo?!

Hindi ba, si PNoy mismo ang nagsabi na 63 percent ng members ninyo ay hindi nagbabayad ng tamang buwis?!

Commissioner Kim Henares, nagbabayad na ba ng tamang buwis ang mga miyembro ng FFCCCII?!

Pakibalitaan n’yo naman kami!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *