Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OTWOL, hanggang Pebrero 26 na lang

112015 jadine

00 fact sheet reggeeSA pagtatapos ng kilig-seryeng On The Wings of Love sa Pebrero 26, Biyernes ay marami na ang nalulungkot at sana raw ay mag-extend pa ang programa nina James Reid at Nadine Lustre lalo na ang kakilala naming TFC subscribers.

Naitanong na namin ito pero hindi na raw uubra dahil hindi na kaya ng JaDine dahil may world tour sila bukod pa sa naghahanda nila para sa post-Valentine show sa Pebrero 20 na gaganapin naman sa Smart Araneta Coliseum produced ng Viva Concerts, ABS-CBN, at Dreamscape Entertainment.

Timing dahil bago magtapos ang On The Wings of Love sa Pebrero 26 ay mapapanood muna sina James at Nadine na mag-concert sa Big Dome bilang pasasalamat na rin nila sa Otwolista na sinubaybayan sila sa loob ng anim na buwan.

Tinatanong kami ng mga kakilala naming TFC subscribers kung anong next project ng JaDine at bakit kailangang tapusin kaagad ang Otwol dahil ito lang daw ang pinanonood ng iba dahil, “pampawala ng stress from work.”

Anyway, kung nalulungkot ang Otwolistas ay ganito rin ang nararamdaman ng JaDine dahil inamin nilang may separation anxiety na sila ngayon palang.

At sa nakaraang TFC show ng JaDine sa Sacramento, California ay ginawang memorable ng dalawa ang lakad nilang ito dahil documented lahat na si Nadine raw mismo ang nag-record sa lahat ng lakad nila ni James para kung gusto niyang balik-balikan ang memories nila ay  puwede anytime niyang gustong mapanood.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …