Kung iaanalisa ang sagot na ito ng aktres ay malaki na ang pagkakaiba sa mga pahayag niya dalawang buwan na ang nakararaan na hindi na siya ang gaganap naDarna dahil sa sakit niya sa likod.
At dahil dumaan na siya sa laser operation noong Disyembre at bumuti-buti na ang pakiramdam, muli siyang babalik ng Singapore sa Pebrero para sa ikalawang procedure at hopefully ay maitama na ang spine niya para handa na siyang lumipad muli.
Sa report ng ABS-CBN news ay nabanggit kay Angel na siya pa rin ang kinikilala ng netizens na Darna, ”nakaiiyak. Siyempre, ‘yung pinaghirapan ko rin naman iyon sa ginawa ko. Kaya nakatutuwa na tumatatak pa rin sa tao. ‘Di ko makalilimutan ‘yung pagmamahal na ibinigay nila.”
At base naman sa Instagram post ni direk Erik noong Enero 13 ay pinahulaan niya kung sino ang gaganap na Darna sa nakalarawang babaeng naka-hoodie na labas ang ilong at bibig.
Sinadya raw talagang ilabas ang teaser ng Darna ng Star Cinema sa mga sinehan sa kasagsagan ng Metro Manila Film Festival para maging daan ito para malaman kung sino ang gusto ng netizens na gumanap.
Nakausap naman si Angel ni TV Patrol correspondent na si Ginger Conejero sa ginanap na auditions ng Pilipinas Got Talent 5 sa KIA Theater, Araneta Center noong Martes.
Hmm, hindi kaya isa sa dahilan kaya inilagay si Angel bilang isa sa hurado ngPilipinas Got Talent Season 5 ay para visible ulit siya sa lahat at advance promo na rin ito ng Darna?
In fairness, hindi naman nakalimutan ng tao ang aktres maski na mahigit isang taon siyang hindi napapanood sa telebisyon.
FACT SHEET – Reggee Bonoan