Tuesday , April 7 2026

Yearly Archives: 2015

Naiibang Lorna T., mapapanood na sa Misterless Misis

INAABANGAN ang pagbabalik sa TV5 ng magaling na aktres na si Lorna Tolentino. Kasama kasi si Lorna sa newest weekend sitcom ng Kapatid Network na Misterless Misis NA makakasama niya sina Mitch Valdes, Gelli de Belen, Ritz Azul, showbiz newcomer Andie Gomez, at Ruffa Gutierrez. Matatandaang napanood ang versatile aktres sa ilang shows at programs ng TV5 tulad ng Cassandra: …

Read More »

Daniel, feel daw magpakalbo!

SOBRANG natutuwa ngayon at masayang-masaya siDaniel Padilla dahil siya ang endorser ng Bench Hair Fix, “Hindi pa ako artsita noon ay mga produktong Bench na ang ginagamit ko. Ngayon, sobrang natuwa ako dahil endorser na ako ito,” panimula ng binata. Hilig pala ng teen-ager ang palaging pabago-bago ng hair style. ”Gusto ko talaga na laging bago lang. May sarili akong …

Read More »

Yaya Dub, 1 week pa lang lumalabas sa EB, super sikat na agad

ALIW kami kay Marian Rivera dahil kahit buntis walang pakundangan kung maglakad sa stage at sumasayaw sa isang fans day. Hitsurang parang hindi siya buntis sa maliit niyang tiyan. Naging Fairy Godmother din siya sa fans nina Alden Richards at Julie Anne San Jose dahil ilang beses niyang pinagdidikit ang dalawa. ‘Compressed,’ ang sigaw niya na magkatabi sina Alden at …

Read More »

Lance, na-challenge sa pagiging bading sa Makata

UNANG beses na gaganap na baklang titser si Lance Raymundo sa indi film na Makata (Poet) kasama sina  Sam Concepcion, Angelo Ilagan, Rez Cortez, Julio Diaz, Claire Ruiz-Hartell, Dianne Medina, Lou Veloso, Lance Raymundo, Anna Marin, Mini Jugs Reodica, atRosanna Roces na idinirehe ni Dave Cecilio. Ayon kay Lance, hindi naman daw lantaran ang pagiging bading niya sa pelikula dahil …

Read More »

Metro Wide Shake Drill sa Ayala Alabang – Manny Alcala

AS IS WHERE IS: Nag-duck, cover, hold sina Mayor Jaime Fresnedi (pangalawa sa kanan) at Brgy. Ayala Alabang Kagawad Ricky Preza (kanan) sa Alabang, Muntinlupa, bilang pakikiisa sa isinagawang Metro Wide Shake Drill na pinangunahan ng Metro Manila Development Authority kahapon. Lumahok din ang mga empleyado sa business district sa Alabang at lumikas sa isang open space sa Filinvest City. …

Read More »

Aquino sisters: Mar kami

SA unang pagkakataon mula nang nagbitiw sa gabinete si Vice President Jejomar Binay ay binasag na ng Aquino sisters na sina Ballsy Aquino-Cruz at Pinky Aquino-Abellada ang kanilang pananahimik sa walang habas na banat ni Binay sa kanilang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino. “Very clear naman that in this battle for next year’s elections, talagang hiwalay na ang landas. Talagang …

Read More »

DOH kontra-bulate muntik maging kontra-buhay!

Kamakalawa nationwide na inilunsad ang kontra-bulate program ng Department of Health (DoH). Sabay-sabay po sa buong bansa. Pero ilang minuto pagkatapos nito, mahigit 100 estudyante sa Zamboanga del Norte at iba pang bahagi sa Mindanao ang naospital matapos inumin ang chewable na kontra-bulate. Anak ng teteng naman talaga! Ano ba ‘yan, Health Secretary Janette Garin!? Hindi man lang ba ninyo …

Read More »

Immigration ‘natakasan’ ng illegal foreign workers

PALAISIPAN ngayon sa Bureau of Immigration kung saan na napunta ang 22 foreign nationals na kasama sa mga nahuli sa isang raid sa Pasay City nitong nakaraang linggo. Nitong Hulyo 21, sinalakay ng BI ang isang tanggapan sa Pasay City at naaresto ang 169 foreign nationals, karamihan ay Chinese, na pinaniniwalaang ilegal na nagtatrabaho bilang call center agents at online …

Read More »

‘Earthquake’ sa Club Filipino

TRENDING sa social media ang ginawang nationwide “Earthquake drill” kahapon sa halos lahat ng tanggapan ng gobyerno sa bansa sa pamumuno ng MMDA. Milyones ang ginastos rito. Sana nga ay magamit ninyo ang prinaktis kahapon na dapat gawin ‘pag biglang nagkaroon ng malakas na lindol. Bunga na rin ito ng babala ng gobyerno tungkol sa pagkahinog ng mga fault line …

Read More »

Balik sa dating “modus” ang tambalang Erap-Ed?

ANTI-CORRUPTION campaign ang pangunahing isinulong ng administrasyong Aquino sa ilalim ng slogan na “tuwid na daan.” Bago maluklok sa Palasyo noong 2010, ipinangako ng noo’y presidential candidate Benigno Aquino III na, “I will not only not steal, but I will run after thieves.” At sa kanyang hu-ling State of the Nation Address (SONA) noong Lunes ay ipinagyabang niya na ipinakulong …

Read More »

Metro Manila nagsama-sama sa ‘shake drill’

NAGSAMA-SAMA ang maraming mga lugar sa Metro Manila sa pagsasagawa ng kauna-unahang pinakamalaking earthquake drill bilang bahagi ng awareness campaign sa pinangangambahang malakas na lindol. Naging hudyat sa pagsisimula ng drill ang 30 segundong alarma dakong 10:30 a.m., na ini-ere ng mga himpilan ng radyo, telebisyon, bombero, pagtunog ng mga kampana sa simbahan at iba pa bilang simulation ng 7.2 …

Read More »

Barangay kawatan ‘este’ kagawad utak ng ilegalidad sa lugar nila (Paging NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao)

Imbes gawaing pambarangay ang atupagin ng isang barangay kawatan ‘este kagawad ‘e mas pinagkakaabalahan ang ilegal niyang negosyo na LOTTENG, EZ-2 at BOOKIES ng kabayo sa Tondo, Maynila. Isang alyas DANI BUKOL na kagawad sa isang barangay sa Antonio Rivera St., Tondo ang umano’y sikat na 1602 operator at ipinagyayabang pa na naka-payong sa ilalim ng isang Gambling Lord na si “Abang” …

Read More »

Roxas tiyak na ang rematch kay Binay

TIYAK nang idedeklara ni Pangulong Aquino si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas bilang kandidatong presidente ng Liberal Party (LP). Kung sino ang kanyang makakatambal, malamang sabay ding ihayag ng Malakanyang. Ibig sabihin, magre-rematch sina Roxas at Vice President Jejomar Binay sa nalalapit na halalan. Maraming nagsasabi na mahihirapang makaresbak si Roxas kay Binay ngunit buo ang …

Read More »

Drug pusher na, gun for hire pa patay sa shootout (1 pa kritikal)

PATAY ang sinasabing kilabot na tulak ng droga at upahang mamatay tao habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang kasama, at sugatan ang isang pulis sa palitan ng putok kahapon ng umaga sa Makati City. Agad binawian ng buhay ang suspek na si Christopher Cruz alyas Balo, nasa hustong gulang, ng P. Mariano St., Brgy. Ususan, Taguig City, tinamaan ng bala …

Read More »

Mary Jane ‘di masasagip ng kaso vs recruiters

MALABONG pagbigyan ng Indonesian government ang ano mang kahilingan na mapalaya si Mary Jane Veloso, ang Filipina na hinatulan ng kamatayan dahil sa drug smuggling, pahayag ni Attorney General M. Prasetyo, ayon sa ulat ng Jakarta Post kahapon. Ayon sa ulat, sinabi ni Prasetyo, malabong mapigilan ng legal proceedings sa Filipinas, ang pagpapatupad ng parusang bitay kay Veloso. Ang tinutukoy …

Read More »