Thursday , June 4 2026

‘Earthquake’ sa Club Filipino

00 pulis joeyTRENDING sa social media ang ginawang nationwide “Earthquake drill” kahapon sa halos lahat ng tanggapan ng gobyerno sa bansa sa pamumuno ng MMDA. Milyones ang ginastos rito.

Sana nga ay magamit ninyo ang prinaktis kahapon na dapat gawin ‘pag biglang nagkaroon ng malakas na lindol.

Bunga na rin ito ng babala ng gobyerno tungkol sa pagkahinog ng mga fault line sa Metro Manila. Na maari umanong magdulot ng malakas na pagyanig kapag gumalaw ang naturang fault line.

Ipagdasal na lang natin, Oh Lord… na hindi gabi at office hours mangyari ang “big bang” para walang masyadong madisgrasya. Amen!

Pero ang tiyak na lindol ay mangyayari ngayon sa Club Filipino sa San Juan City.

Oo, magpupulong ngayon ang malaking partido ni Pangulong Noynoy Aquino, ang Liberal Party, para ihayag ang kanilang tiket para sa 2016 elections.

Ang pinakaaabangan dito ay kung sino ang iendorso ni PNoy. Malakas ang bali-balitang si Mar Roxas ang pagkakatiwalaan ng Pangulo para magpatuloy ng kanyang “Daang Matuwid.”

Kung si Roxas nga, sino naman kaya ang kanyang running mate? Si Senadora Grace Poe kaya? Si Gov. Vilma Santos kaya? Si Mayor Rodrigo Duterte kaya? O si Sen. Alan Peter Cayetano?

Ang sagot sa katanungang ito ay malalaman ano mang oras mula 9:00am hanggang lunch time. Abangan!

Nagkalat ang VK at talamak ang droga sa Brgy. 286, Binondo, Manila

– Sir Joey, report ko po yung mga video karera machine at talamak na bentahan at gamitan ng iligal na droga dito sa 565 Valderama St., Brgy. 286, Binondo, Manila. Sa ilalim lang po ito ng Delpan Bridge. Sana naman magawan ng aksyon ito, mahuli ang mga tulak dito at maalis ang mga VK na perwisyo po sa kabataan at mga mister na ultimo pambili ng asin ay pinangsusugal pa sa VK na ito. Salamat po. – Concerned citizen

Sakop ng MPD PS-11 ang naturang barangay. Sino ba ang hepe ng onse ngayon? Kernel, aksyon!

Mas gusto si Cayetano kay Vilma Santos

– Boss Joey, yan ang mahirap sa mga botante, ‘di ang tamang kandidato ang kanilang iboto. Halimbawa Vi at Cayetano. Sabi mo malaki ang balwarte ni Vilma, tiyak solid sa kanya ang buong Batangas at makukuha ang suporta ng showbiz at kababaihan kaya may tulog sa kanya ang kalaban. Si Cayetano, mas magaling, malawak ang kaalaman sa batas at hinog na hinog na para sa position. Ngayon, kung ang pag-uusapan e ang tamang iboto ng tao, Vilma ba na sikat lang at maraming tagahanga o si Cayetano na magaling at malawak ang kaalaman sa batas at hinog na hinog na? Kung ako ang boboto, kahit idol ko si Vilma at alam kong mas magaling si Cayetano, si Cayetano ang iboboto ko. Batas at di showbiz! – Juan ng Tondo

Saludo ako sa ‘yo, Juan! Sana lahat ng botante ay katulad ng mentalidad mo.

Mga tamad na opisyales ng Brgy. 183, Tondo

– Report ko po itong mga tamad na opisyales ng Brgy. 183 Zone 16, Gagalangin, Tondo, Manila. Mayor Estrada… paki-hold mo ang mga allowance o honoraria sa nasabing barangay dahil simula sa tserman at mga tauhan ay mga tamad! Katulad nito, kahit may truck ng basura hindi pinaaalam sa mga tao at kung magtanong ang mga tao suplado magsagot ang mga tauhan ng barangay. Sayang ang mga allowances nila at walang pakinabang! – Concerned resident

‘Yan ang paulit-ulit kong sinasabi noon bago mag-eleksyon ng barangay. Iboto ang matino at masipag na kandidato. Ngayong nakikita ninyo na inutil ang mga inihalal ninyo, palitan n’yo na lang sila sa sunod na halalan sa barangay.

REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc.,  Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015

Cell: 099-8974-7723/ E-mail add: [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joey Venancio

Check Also

Firing Line Robert Roque

No-el at alitan ng magkapatid

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. GAMIT ang kanyang posisyon sa Senado, tila humawak ng …

Sipat Mat Vicencio

Pakiusap, magbitiw ka na Alan Peter Cayetano!

SIPATni Mat Vicencio HIGIT na makabubuti kung kusang magbibitiw na lamang si Senator Alan Peter …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Political seige sa Senado, ‘di umubra kay SP Cayetano

AKSYON AGADni Almar Danguilan SIMULA nang mapalitan ang liderato ng Senado matapos mapatalsik sa trono …

Editorial

Sa kabila ng upak at kritisismo
Senate leadership hinarap agad impeachment at flood control probe

HINDI biro ang sitwasyong kinaharap ng buong bansa nitong mga nagdaang linggo. Tila kinubkob ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa DA rice analyzer, modus ng rice traders matutuldukan na

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKASISIGURO ka bang magandang kalidad ang nabili mong bigas – iyong …