This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
Imbes gawaing pambarangay ang atupagin ng isang barangay kawatan ‘este kagawad ‘e mas pinagkakaabalahan ang ilegal niyang negosyo na LOTTENG, EZ-2 at BOOKIES ng kabayo sa Tondo, Maynila.
Isang alyas DANI BUKOL na kagawad sa isang barangay sa Antonio Rivera St., Tondo ang umano’y sikat na 1602 operator at ipinagyayabang pa na naka-payong sa ilalim ng isang Gambling Lord na si “Abang” para wala siyang huli sa mga lespu.
Hindi lang ‘yan, nagpakalat pa ang kumag ng mga Closed-Circuit Television (CCTV) sa paligid ng kanyang lugar, hindi para manmanan ang masasamang loob , kundi mabantayan ang mga pulis na papasok at sasalakay sa kanila.
Sonabagan!!!
Mismong sa loob ng bahay niya naka-monitor ang mga CCTV, at wala sa kanilang barangay Hall.
Ilan sa mga kapitbahay ng nasabing kawatan ‘este kagawad ang labis na nagugulat sa pagdagsa ng mga ilegal na sugal sa kanilang barangay.
Hinihiling rin ng mga residente sa nasabing barangay na aksiyonan ng Manila Barangay Bureau at MPD ang talamak na sugal-lupa sa kanilang lugar.
Pero duda sila na may ‘timbre’ na si Kagawad Bukol sa mga pulis at sa city hall.
NCRPO RD Gen. Joel Pagdilao, magandang Buena mano ito sa iyong panunungkulan sa Bicutan.
Paki-sampolan nga ang damuhong kagawad, Sir!
[divider]
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com