Friday , November 15 2024

Habang binabayo ng bagyong Nona ang Sorsogon, nasaan si Chiz!?

00 Bulabugin jerry yap jsyLUNES pa nanalasa ang bagyong Nona sa Sorsogon at sa mga karatig lalawigan na nakaharap sa Pacific Ocean, pero hanggang ngayon ay wala pa rin means of communication sa Sorsogon at sa Laoang Northern Samar.

Walang koryente at walang signal kaya ang lahat ng mga nasa Metro Manila o sa ibang lalawigan ay walang balita kung ano ang nangyayari sa kanilang mga kamag-anak sa nasabing mga lugar.

Sa Laoang (Northern Samar), kauna-unawang matagalan ang pagkakaroon ng signal at koryente dahil ito ay isang isla. Kahit ang media men ay nitong Huwebes lamang nakatawid patungong Laoang.

Pero sa kaso ng Sorsogon, nakapagtataka ang local officials sa nasabing lalawigan dahil napakabagal makapangalap ng developments. Marahil, ang local officials ay biktima rin ng bagyong Nona?!

Pero ang higit na nakapanghihinayang, mayroong isang Sorsogueñong senador na mukhang hindi nagamit ang kamandag ng kanyang kapangyarihan para mailigtas ang kanyang mga kababayan o kaya ay mapabilis ang komunikasyon at pagpapadala ng tulong sa nasabing lugar?

Sa buong Bicolandia, tanging Sorsogon lamang ang nagkaroon ng casualty. Sa huling bilang ay umabot na ito sa apat katao.

Sa Albay, agad iniutos ni Gov. Joey Salceda ang paglikas ng kanyang mga kababayan lalo na yaong mga naninirahan sa mga delikadong lugar.

Kaya naman huwag na kayong magtaka kung bakit wala silang casualty.

Sa kasalukuyan, mayroong immediate na pangangailangan na maitayo, kahit ang pansamantalang masisilungan lamang ng mga biktima ni Nona, habang hinihintay ang tulong ng gobyerno. (Anong petsa na?!)

Kung kikilos si Chiz, magiging madali para sa kanyang mga kababayan na makapagtayo ng kahit pansamantalang masisilungan at agad mapadalhan ng relief goods.

Pero, kumilos ba si Chiz?

Nauna pang dumating ang tulong mula sa mga pribadong kompanya gaya ng isang TV network kaysa tulong mula sa Sorsogueñong si Chiz.    

Buti pa ang bagyong si Nona, binalik-balikan ang Sorsogon, at tila ayaw pang iwanan, dahil niyakap ang mga bahay at tinangay na parang gusto niyang isama kung saan…

Pero si Senator Chiz na minsang sinabi na ang Sorsogon ay lalawigang kanyang pinagmulan at ginawa niyang ‘apakan’ at ‘tuntungan’ para makapasok sa politika, ay ni hindi nagawang sumilip man lamang!?

Busy-bisihan ba si vice presidentiable Chiz!?

Sa panahon na nangangaligkig sa lamig at walang masilungan ang mga taga-Sorsogon na sinalanta ng malalakas na hangin at mabibigat na ulan dala ni Nona, ano kaya ang ginagawa ni Chiz?

Sabi nga, kapag taglamig o tag-ulan, mas ‘masarap sumimsim ng mabangong bulaklak’ o kaya ay ‘sumimsim ng paboritong alak.’

Alin kaya sa dalawa ang ginawa ng Sorsogueñong senador habang ang kanyang mga kababayan ay nagbibilang kung ilan ang nasawi at nawala; ilang bahay ang nawasak; ilang sanggol, bata, babaeng nagsilang ng anak, o matatanda ang walang matutulugan at walang maibalabal sa mga katawan nilang basang-basa sa ulan?

Sumimsim ng mabangong bulaklak o sumimsim ng alak?

Kaawa-awang Sorsogon… tsk tsk tsk!

Malalim na hukay at baha sa City Hall ng Mandaluyong deadma sa mga Abalos?

WALA palang kalaban sa kanyang kandidatura ang misis ni Mandaluyong outgoing mayor Benhur Abalos.

Unopposed!

Kaya siguro kahit anong hinaing ng mga taga-Mandaluyong diyan sa malalim na hukay sa Maysilo St., at grabeng baha sa paligid ng city hall ay hindi pinapansin ng mga Abalos.

Kumbaga, mukhang kampante ang mga Abalos kaya hindi sila nag-aalala kapag nagalit ang constituents dahil sa nasabing baha sa Mandaluyong City Hall.

Kahit kasi hindi bumoto ang mga napeperhuwisyo ng baha, tiyak na mananalo ang maybahay ni Benhur na si Menchie bilang mayor dahil unopposed nga.

‘Yan siguro ang ultimong dahilan kung bakit ayaw resolbahin ‘yang baha na ‘yan sa Maysilo.

Nilagyan nga ng concrete barrier ang gilid ng malalim na hukay pero dahil umulan at lumakas ng agos ng tubig, tumumba lang ito.  Ngayon naman ay nanganganib na masalabid pa sa natumbang concrete barrier ang mga pedestrian at motorista.

Aba, Mayor Benhur Abalos, ikaw pa rin ang alkalde, KUMILOS KA!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *