Thursday , May 15 2025

Gradovich hinahamon si Donaire

122115 Gradovich donaire
PAGKARAAN ng matagumpay na panalo ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire para mapanalunan ang WBO junior featherweight championship, maraming prominenteng boksingero ang nasa dibisyon ang nagpahayag ng paghahamon.

Isa sa naghahamon ang dating IBF world featherweight champion Evgeny Gradovich.

Ang tinaguriang El Ruso Mexicano ay hayag na kaibigan ni Donaire pero nais niyang subukan ang kalidad nito.

“That would be a big fight. He has a title. He is my friend but in the ring we won’t be friends. We can be friends again after. I hope that the fight can be possible in the future,” pahayag ni Gradovich sa  BoxingScene.

Nawala kay Gradovich ang korona sa IBF nang talunin siya ni Lee Selby noong May  sa pamamagitan ng technical decision, pero agad namang itong nagbalik sa winning form nang talunin si Aldimar Santos via split decision.

Pero agad namang prumeno si Top Rank promoter Bob Arum para kasahan ni Donaire si Gradovich.  Pinag-aaralan pa nito ang posibleng laban ng Pinoy pug kay WBO world featherweight champion Vasyl Lomanchenko.

Tinitignan din ni Arum ang posibleng rematch ni Donaire kay Cesar Juarez na kamakailan lang ay tinalo ng Pinoy pug via decision.

Sa isang banda, gusto rin ni Donaire na bigyan ng rematch si Juarez para mapawi na ang alingasngas tungkol sa kontrobersiya na naging usap-usapan sa sirkulo ng boksing.

”I will definitely give him a rematch,” sabi ni  Donaire  sa spin.ph. “I’m not taking anything away from him.”

Ang huling opsyon ng kampo ni Donaire ay ang rematch naman niya kay Nicholas Walters na tumalo sa kanya noong October 18, 2014.

“I wanna make the [Walters] fight happen, but I’m not gonna be foolish enough to go up two weight classes or a weight class, where I know the experiences I’ve had in the past have led me to making the right decisions. I’m willing to fight anybody, but it has to be in a fair atmosphere,” pahayag niya sa  BoxingScene.

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *