Sunday , May 11 2025

SMB kontra Alaska

121615 PBA SMB Alaska
TATLONG koponan ang nag-aagawan sa dalawang automatic semifinals berths ang sasalang sa magkahiwalay na laro ng PBA Philippine Cup mamaya sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Magkikita ang nagtatanggol na kampeong San Miguel Beer at Alaska Milk sa ganap na 7 pm sa rematch ng finalists noong nakaraang season. Sa unang laro sa ganap na 4:15 pm ay magtutunggali naman ang Rain Or Shine at Meralco.

Ang Beermen, na may seven-game winning steak, ay nasa itaas ng standings sa record na 9-1. Tabla sa ikalawang puwesto ang Aces at Elasto Painters sa kartang 7-2. Ang Bolts ay may 1-9 record at siyang tanging koponang tuluyan nang nalaglag sa labanan.

Ito ang huling laro ng Beermen at Bolts. Matatapos ang elims sa Linggo.

Kapag nagwawagi ang Beermen ay didiretso na sila sa semifinals. Kung matatalo sila ay may posibilidad na magkaroon ng  three-way tie para sa unang puwesto sa pagtatapos ng elims.

Ito ay kung mananalo ang Aces at Elasto Painters sa huling laro nila. Sa Sabado ay makakasagupa pa ng AlaskaMilk ang Barako Bull at magduduwelo naman ang Elasto Painters at NLEX.

Ang Beermen ay pinamumunuan ng two-time Most Valuable Player na si June Mar Fajardo na sinusuportahan nina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Chris Lutz at Chris Ross.

Ang Aces ay galing sa 111-105 pagkabigo sa Rain Or Shine noong Biyernes. Sila ay pinangungunahan  nina  Calvin Abueva, Joaquim Thoss, Cyrus Baguio, JVee Casio at Vic Manuel.

Anu’t anuman ang mangyari sa duwelo ng Beermen at Aces ay hawak naman  ng Elasto Painters ang kanilang kapalaran. Puwedeng dumiretso sa semis ang Elasto Painters kung magwawagi sila sa huling dalawang games kontra Bolts mamaya at NLEX sa Sabado.

Ang mga pambato ni RoS coach Yeng Guiao ay sina Jeff Chan, Gave Norwood, Beau Belga, Jericho Cruz at Maverick Ahanmishi.

Ang Bolts ni coach Norman Black ay may iisang panalo sa sampung laro at tuluyan nang nalaglag. Ito ang kanilang huling laro kung kaya’t nais nilang mag-iwan ng magandang alaala sa fans.

About hataw tabloid

Check Also

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Florentino Inumerable

Florentino Inumerable, kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Championships

HINDI lang nagwagi kundi kampeon ang beterano at United States chess master na si Florentino …

Darell Johnson Bada Yukiho Okuma NTT Asia Triathlon Cup sa Subic

Nangibabaw sina Bada ng PH at Okuma ng Japan sa elite junior sa Subic International Triathlon

OLONGAPO City, Zambales – Nakopo ng Pinoy na si Darell Johnson Bada ang kampeonato sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *