Friday , May 16 2025

Nat’l Collegiate Championship magsisimula na (Sa ABS-CBN Sports+Action)

121015 National Collegiate Championship
Nagawa na ng Letran ang trabaho nila para mapanalunan ang NCAA championship.

Hindi naman nagpahuli ang FEU sa pagsungkit ng korona ng UAAP kamakailan lang.

Pinatumba ng University of San Carlos ang karibal na University of Visayas Green Lancers para sa kampeonato sa CESAFI ngayong taon.

Pero kakayanin ba nila ang bagsik ng reigning National Champions na San Beda Red Lions?

Ang tatlong paaralang ito ang may pinakamatitinding koponan sa college basketball ngayong taon at susubukan nilang tanghalin bilang national champion  ng National Collegiate Champion simula  Miyerkules (December 9) sa ABS-CBN Sports + Action na tatakbo hanggang December 17.

Ang ibang mga eskwelahan naman ay masugid na rin sa paghahanda sa kani-kanilang laban sa torneo. Gustong-gustong makabawi ng San Beda at UST, ang mga talunang Finalist sa NCAA at UAAP, sa kanilang pagkatalo habang ang UV naman ay gustong patunayan na may ibubuga ang mga koponan sa Visayas.

Anim na koponan pa mula National U, JRU, Mapua, TIP, PATTS, at St. Claire, ang sinusubukang makapasok sa Elite Eight ng torneo bilang miyembro ng Luzon-Manila qualifier at sasamahan nila ang Visayas-Mindanao qualifier at ang mga kampeon at runner-up ng UAAP, CESAFI, at ang kampeon ng nakaraang torneo, ang San Beda.

Ang walong araw na torneo ay mag-eere ng dalawang laro kada araw na magsisimula sa Miyerkules (December9) hanggang December 17 sa ABS-CBN Sports +.   Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa sports.abs-cbn.com at sundan ang ABS-CBN Sports + Action sa Facebook.

About hataw tabloid

Check Also

PCAP Chess Champions

Toledo-Xignex Trojans bida sa PCAP

SA WAKAS, nagwagi ang Toledo-Xignex Trojans sa online team chess tournament ng Professional Chess Association …

Jonathan Ng Creamline Cool Smashers Rebisco

Ng, pararangalan bilang PVL Press Corps Executive of the Year

PARARANGALAN si Jonathan Ng, Vice president at CEO ng Republic Biscuit Corporation (Rebisco) Group of …

Shaunna Polley Olivia Macdonald Volleyball World Beach Pro Tour Futures Nuvali

Kiwis, kampeon muli sa BPT Futures Nuvali para sa ikalawang sunod na gintong medalya

NAKAMIT nina Shaunna Polley at Olivia Macdonald ng New Zealand ang kanilang ikalawang titulo sa …

Alyana Nicolas pole vault ICTSI Philippine Athletics Championships

Nicolas, matagumpay na naipanalo muli ang women’s pole vault title sa ICTSI PH meet

CAPAS, Tarlac – Muling pinatunayan ng Fil-Am na si Alyana Nicolas ang kanyang pagiging nangungunang …

Pia Cayetano Padel Pilipinas

Pia Cayetano nais palaguin ang Padel sa buong bansa

TULOY-TULOY ang suporta ni Senador Pia Cayetano para sa mga national coach at atleta ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *