Sunday , December 22 2024

LP, nawalan ng boto sa Poe disqualification; Bongbong Marcos, magsa-sub kay Miriam?

00 Abot Sipat ArielNAKALULUNGKOT isipin na sa bansang may populasyong mahigit 100 milyon, tatlo katao lamang na miyembro ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang magpapasya sa kandidatura ni Sen. Grace Poe para sa halalang pampanguluhan sa 2016.

Kapaskuhan na rin lamang, lihis na lihis ito sa ginawa ng tatlong haring mago na tumanaw sa isang tala para makita ang magiging lider ng sangkatauhan na si Hesukristo. Sa kasalukuyan, gabay lamang ng Liberal Party (LP) ang kailangan nina presiding Comelec commissioner Al Parreño, commissioners Arthur Lim at Sheriff Abas na pawang miyembro ng LP para idiskuwalpika ang numero unong tinik sa lalamunan ng kanilang pambato.

Isa lamang ang disqualification case sa apat na kasong isinampa sa Comelec laban kay Poe na ibinoto ng milyon-milyong Filipino para maging numero unong senador sa halalan noong 2013. Kaya hindi kataka-takang tutol ang mga henyo sa Comelec na pag-isahin na lamang ang mga kaso para sabay-sabay harapin ng senadora dahil iyon ang pinakapraktikal at ginamitan ng sentido komun.

Pero ipipilit talaga ng mga alipores ng LP na matanggal sa listahan ng mga kandidatong pangulo si Poe para maipanalo ang kanilang pambato sa halalan sa 2016. Marami nang kapalpakan ang pamahalaan na nagpapabagsak sa survey kay LP presidential bet Mar Roxas at ngayon pa lamang, ibinunyag ng katambal ni Poe na si Sen. Chiz Escudero na kasabwat ang nagsampa ng kaso laban sa senadora na si Atty. Estrella Elamparo ng nangunguna sa kampanya ng LP na si dating defense secretary Avelino “Nonong” Cruz.

May tsismis din na ipinagkakalat “daw” ni Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio sa kanyang mga kaibigan sa alta sosyedad na ididis-qualify rin ng mga mahistrado si Poe kung hihingi ng saklolo sa kataas-taasang hukuman. Pero tiyak na lalong magngangalit ang sambayanan kapag naglaho sa listahan ng kandidatong presidente si Poe kaya lalong mawawalan ng boto ang LP at diretso sa kumunoy ng pagkatalo si Roxas.

Sana, dapat analisahing mabuti ng LP at mga kaalyado sa Comelec at SC ang sinabi ni Pangulong Aquino na gusto rin niyang makatakbong pangulo si Poe na guest candidate rin naman ng LP noong huling halalan. Magiging patas ang laban kung papayagan ng Comelec at SC na kumandidato si Poe sa pinakamataas na tungkulin sa bansa at hayaan ang milyon-milyong botante na magpasiya sa kanyang kapalaran.

ISA PANG TSISMIS—May ulat na aatras daw bilang kandidatong pangulo si Sen. Miriam Defensor Santiago dahil hindi kaya ng senadora ang hirap ng pangangampanya sa buong bansa.

Eto nga, may nagbulong na mukhang nagdadalawang-isip si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at gustong mag-substitute kay Sen. Santiago lalo’t nakikita niya ang masamang balak ng LP, Comelec at SC na i-disqualify hindi lamang si Sen. Poe kundi maging si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Kapag nangyari ito, tiyak na maghahalo ang balat sa tinalupan dahil matataranta ang mga nasa dirty tricks bureau ng LP at UNA at paiigtingin ang islogang “Never Again” kahit walang kinalaman si Sen. Bongbong sa rehimen ng kanyang ama.

Mas gaganda ang eleksiyon sa 2016 kung kakasa sa halalang pampanguliuhan si Sen. Bongbong dahil masusubok kung malakas pa ang Solid North at ang mga balwarteng Marcos sa Visayas at Mindanao. Ang saya-saya ‘di ba? LOL.

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *