IBANG klase pala itong actor na nangangarap maging vice mayor ng isang lugar dito sa Metro Manila. Sayang ang kaguwapuhan at kakisigan dahil palaasa at tumatakbo sa responsibilidad.
Paano naman, hindi pala ito makabayad man lang ng upa sa tinitirhang bahay. Kaya pinalayas ito. Ang siste pa, galing pa sa ama ang ipinanghuhulog o ipinambabayad sa tinitirhang bahay ng aktor, tsk! tsk! tsk!
Ayon pa sa aming impormante, may naanakan pa ang actor pero dehins niya sinusuportahan si babae at ng bata bagkus ito pa raw ang nanghuhuthot sa babae.
Ay naku! Ang lakas ng loob mong tumakbong vice mayor iho eh, buhay mo hindi mo maayos, paano pa ang isang lungsod aber?!
( Hataw News Team )