Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2016 budget ng DND pinadadagdagan (Dahil sa terror threat)

BUNSOD nang banta ng terorismo, nagkaisa ang mga senador na dagdagan pa ang pondo ng Department of National Defense (DND) para sa taon 2016.

Sa budget deliberations sa Senado, kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile kung sasapat ang P116.2 bilyon para bigyang seguridad ang bansa.

Labis aniyang nakababahala ang terorismo lalo’t isang Russian jet ang pinabagsak kamakalawa ng Turkey.

Sagot ni Senador Loren Legarda, chairman ng Senate Committee on Finance, hindi ito sapat kahit na may P250 million augmentation budget na nakapaloob sa kanyang committee report.

Sa panukala ni Enrile, dapat dagdagan pa ng P10 bilyon hanggang P20 bilyon ang pondo ng DND.

Bagama’t aprubado ang panukalang dagdag pondo sa DND, pag-aaralan muna ng mga senador kung saan huhugutin sa 2016 proposed national budget ang naturang halaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …