PUNTIRYA ng Barangay Ginebra ang ikatlong sunod na panalo kontra Globalport sa kanilang pagtatagpo sa PBA Philippine Cup kontra Globalport mamayang 7 pm sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Nais naman ng TNT na makabawi buhat sa nakaraang kabiguan sa kanilang salpukan ng Blackwater sa ganap na 4:15 pm.
Nakapagrehistro ng back-to-back na panalo ang Gin Kings kontra Meralco (89-64) at Mahindra (80-76) upang umangat sa 3-3.
Napatid naman ang three-game winning streak ng Batang Pier nang ito ay tambakan ng Alaska Milk, 123-94 noong Biyernes at bumagsak sa 3-2.
Nakakakuha ng matinding performance ang bagong coach ng Ginebra na si Tim Cone sa mga frontliners na sina Greg Slaughter, Japhet Aguilar, Joe DeVance at bagong lipat na si Jervy Cruz.
Ang lakas naman ng Gllobalport ay nanggagaling sa backcourt sa pagtutulungan nina Terrence Romeo at Stanley Pringle na tinutulungan nina Jay Washington at Doug Kramer.
Natapos din noong Biyernes ang three-game winning streak ng TNT nang ito ay talunin ng NLEX, 107-101.
Sa larong iyon ay nagtapos ng may 15 puntos si Jayson Castro subalit nahirapan nang husto dahil sa matinding depensa ng Road Warriors.
Makakatuwang ni Castro sina Larry Fonacier, Danny Seigle, Harvey Carey at rookies na sina Moala Tautuaa at Troy Rosario.
Ang Blackwater (1-4) ay gailing sa back-to-back na pagkatalo sa San Miguel Beer (93-83) at Rain or Shine (103-81).
( SABRINA PASCUA )