Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

A Second Chance, inaabangan na sa ibang bansa!

112315 bea lloydie

00 fact sheet reggeeANG dami talagang nakare-relate kina Popoy at Basha dahil pati mga taga-ibang bansa ay tinatanong kami kung may world premiere ang A Second Chance ninaJohn Lloyd Cruz at Bea Alonzo dahil talagang pipila raw sila.

Sa totoo lang Ateng Maricris, mga kaibigan at kakilala namin sa iba’t ibang parte ng Amerika at Europe ang nauna pang nakaalam na may sequel ang One More Chance nina Popoy at Basha na hindi namin pinaniwalaan hanggang sa nakita namin ang posts ng taga-Star Magic ng mga litrato nina Lloydie at Bea na nagpo-promote ng librong hango sa titulo ng pelikula nila.

At nabanggit nga raw ng taga-TFC roon na nagsu-shooting na.

Kaya nang banggitin sa amin ng taga-Star Cinema na may Second Chance sina Popoy at Basha ay naalala namin ang kuwento sa amin ng mga kaibigan at kakilala.

Anyway, base naman sa nakaraang presscon nina JLC at Bea ay wala naman kaming naalalang sinabing magkakaroon ng world premiere ang A Second Chance.

Natawa pa kami na naniniwala silang mas maganda pa ang A Second Chancekaysa The Hunger Games: Mockingjay part 2 dahil hindi raw maganda ang ending.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …