Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Selosong Koreano nagbigti

HINIHINALANG selos ang dahilan ng pagbibigti ng isang Koreano makaraang mabasa ang text message ng kaibigan ng kinakasama niyang Filipina nitong Linggo ng hapon sa condominium unit sa Pasay City.

Kinilala ang biktimang si Kim Cheolgyu, 42, negosyante, may Korean passport number MO4497966, pansamantalang naninirahan sa 1201 Tower C, Antel Seaview Tower Cond., Roxas Blvd., Pasay City.

Base sa ulat nina PO2 Joel Landicho at PO2 Ricardo Mallong Jr., kinompronta ng biktima ang kanyang kinakasama na si Analyn Petaca, 29, tubong Brgy. Bugtong Silag, Mangatarem, Pangasinan, nang mabasa ang mensahe sa text ng kaibigang Koreano na si Bob Chin, sa kinakasamang Filipina.

Ayon sa salaysay ni Petaca sa pulisya, nagselos ang biktima kaya’t agad siyang nagpasyang tapusin na ang kanilang relasyon  at dalhin na ang kanyang mga gamit.

Bandang 5 a.m. nitong Biyernes nang lisanin ni Petaca ang lugar at umuwi sa Pangasinan.  Nang dumating sa probinsiya, agad tinawagan ng babae ang kinakasamang Koreano gamit ang phone ng kapatid na lalaki ngunit hindi niya ma-contact.

Nitong Linggo ay nagpasyang bumalik sa condo si Petaca ngunit nadatnang umaalingasaw na ang bangkay ng biktimang nakabigti.

May suicide note na iniwan ang biktima na sulat Koreano, na dadalhin sa embahada ng Korea upang isalin sa Ingles. 

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid kung may naganap na foul play sa insidente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …