Friday , November 15 2024

Mag-dyowang prosec at judge pinaiimbestigahan sa Kongreso

HINILING ng isang dating mambabatas sa House Committee on Justice na imbestigahan ang napaulat na ‘conjugal partnership’ ng isang prosecutor at executive judge sa Region III dahil sa tinatawag na ‘conflict of interest.’

Inakusahan ni former (Agham) party-list Rep. Angelo Palmones na isa na ngayong executive radio station ng DZRH sina Regional State Prosecutor Atty. Jesus Simbulan at San Fernando, Pampanga Executive Judge Divina Luz Simbulan dahil daw sa paggamit nila ng impluwensiya.

Ayon sa mambabatas, ang mag-asawa rin daw ang nagiging dahilan para maging usad-pagong ang karamihan sa court proceedings doon dahilan para maapektohan ang malaking bilang ng inmates sa Pampanga Provincial Jail.

Sa kanyang liham kay Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., chairman ng naturang komite, umapela si Palmones sa mga mambabatas na siyasatin ang mga reklamo at kasong hinawakan ng mag-asawa.

Inihalimbawa ni Palmones ang kaso ni Richard Adduhan Llamis na nagnakaw ng cellular phone at inatasan umano siya ni Simbulan na magpiyansa ng P500,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan samantala ang inirekomenda lamang na piyansa ng prosekusyon ay P26,000 lamang.

“What is the basis of her order for the accused to post P500,000 bail for a case of cellphone theft? Wala ngang nakuhang cellphone sa biktima,” upak ni  Palmones.

“As the administration of justice is a key component of democratic processes where both judges and prosecutors should not only be impartial in the handling of cases before them but must at all times appear to be impartial, we view the administration of justice is compromised when the public perception of judges and the prosecution service is impaired by the influence wielded by the Regional State Prosecutor of Region III over the cases handled by the Executive Judge of San Fernando, Pampanga which is within Region III,” banat ng dating mambabatas.

Sa ilalim ng panukala, may naghihintay na parusang pagkakulong mula dalawang taon hanggang di lalampas sa anim na taon o di kaya’y anim na taon hanggang sa di bababa sa 12 taon, depende sa bigat ng kaso.

About Jethro Sinocruz

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *