Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tamaraws nananagasa

112315 FEU tamaraws
INISA-ISA ng Far Eastern University Tamaraws ang mga bigatin upang makarating sa championship round ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa ikalawang sunod na season.

Una’y binigo ng Tamaraws ang layunin ng La Salle Green Archers na makaabot sa Final Four nang sila’y magtagumpay, 71-68 noong Miyerkoles. So, talagang ipinalasap nila sa Green Archers ang pait ng kabiguan dahil nga sa hindi umabot ang mga ito sa semifinals at maagang natsugi.

Noon namang Sabado ay isinunod nila ang karibal ng La Salle na Ateneo Blue Eagles, 76-74. Dahil sa panalo ay nakarating nga ang Tamaraws sa best-of-three finals.

May twice-to-beat advantage ang Tamaraws kontra Blue Eagles subalit hindi na nila pinaabot sa sudden death Game Two ang duwelo. Sa halip ay pinagdugo din nila ang puso ng Blue Eagles at mga supporters nito.

Winakasan din nila ang UAAP career ni Kiefer Ravena na bago ang laro ay pinangalanan bilang Most Valuable Player ng UAAP sa ikalawang sunod na taon. Nabigo si Ravena na ihatid ang Blue Eagles sa isa pang kampeonato sa kanyang huling taon. Well, masasabing ‘statement victories”ang ginawa ng FEU sa La Salle at Ateneo. Ito na ang simula ng bagong paghahari sa UAAP.

Kasi nga’y matagal-tagal na rin namang hindi nagkakampeon ang Tamaraws. At noon ngang isang taon ay winalis sila ng National University Bulldogs sa championship round.

Malaki ang posibilidad na ang makaharap ng FEU sa Finals ay ang University of Santo Tomas Growling Tigers na may twice-to-beat advantage kontra Bulldogs sa Final Four. Hindi natin alam ang resulta ng laro ng UST at NU kahapon dahil maaga nating isinulat ang pitak na ito. Puwedeng nasa Finals na ang UST o may sudden-death Game Two.

Anuman ag mangyari, maagang nakararating sa Finals ang FEU at nakapaghanda ng maaga.

Malaking morale booster ang panalo nila kontra la Salle at Ateneo. Ang tanong ay kung sapat na iyon para magtuluy-tuloy sa itaas?

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Sabrina Pascua

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …