Monday , December 23 2024

Japan magbibigay ng defense equipment, patrol vessel (Para sa West PH sea)

AbeTINIYAK ng Japan na magbibigay sa Filipinas ng defense equipment at malalaking patrol vessels sa gitna nang agawan ng China at Filipinas sa teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).

Sa bilateral talks nina Pangulong Benigno Aquino III at Japanese Prime Minister Shinzo Abe kamakalawa ng gabi, nagkaisa ang dalawang lider na madaliin na ang pagbalangkas at paglagda sa kasunduan na magbibigay daan sa pagpapalakas ng defense at security relations.

Inihayag ni Abe na pinag-aaralan na ng Japan ang hirit na “large patrol vessels” ni Aquino para sa Philippine Coast Guard.

“The President and I also had a candid exchange of views on regional peace and stability. We shared deep concerns over unilateral actions to change the status quo such as the large-scale land reclamation and building of outpost in the South China Sea,” ani Abe.

Patuloy aniya ang pagsuporta ng Japan sa kasong idinulog ng Filipinas laban sa China sa international tribunal.

“Regarding the arbitration between the Philippines and China, which has entered into a new stage, we reiterated our position to continue to support dispute resolution based on international law,” ani Abe.

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *