Si Sen. Nancy Binay, booo…
Hataw News Team
November 20, 2015
Opinion
NASAAN ang kahihiyan nitong si Sen. Nancy Binay?
Sa anim kasing senador na miyembro ng Senate Electoral Tribunal (SET), tanging si Binay lang ang hindi sumuporta kay Sen. Grace Poe sa disqualification case na isinampa ng talunang senatorial candidate noong 2013 na si Rizalito David.
Sina Sen. Loren Legarda, Sen. Tito Sotto, Sen. Bam Aquino, Sen. Cynthia Vilar at Sen. Pia Cayetano ay nagkakaisang sinopla ang disqualification case ni David at sinuportahan ang katwiran na ang foundling o pulot ay isang natural born citizen.
Dito makikita na talagang partisan o may kinikilingan si Binay.
Tatakbo kasi sa pagkapangulo ang kanyang amang si Vice President Jojo Binay, kaya bumoto siya pabor sa disqualification case laban kay Poe.
Pero kung may delicadeza si Binay, dapat sa simula pa lang ay nag-inhibit na siya sa SET. Dito makikita kung gaano ka-personal ang ginawang pagboto ni Binay.
Napakalayo niya kay Sen. Aquino na sa kabila ng pagiging magpinsan nila ni Pangulong Aquino at miyembro ng Liberal Party, ibinasura pa rin niya ang disqualification case laban kay Poe.
Tama ang katuwiran ng mga bumotong senador laban sa disqualification case na isinampa sa SET na ang kanilang desisyon ay hindi patungkol kay Poe kundi sa lahat ng foundling o pulot na dapat kilalaning natural born citizen.