Friday , November 15 2024

Militanteng kabataan, mga pulis nagsalpukan

NABALOT ng tensiyon ang protesta sa Liwasang Bonifacio nang tangkain ng mga kabataang makalusot sa barikada ng mga pulis, Huwebes ng umaga.

Habang nagsasagawa ng programa, may isang grupo ng kabataang lumapit sa barikada ng mga pulis at agad nang sumugod ang iba pa nilang mga kasama.

Nauwi sa balyahan at pukpukan ang pagtatagpo ng dalawang hanay.

Nagawang paatrasin ng mga pulis ang ilan sa mga kabataan.

Ang ilang nakalusot patungong Manila City Hall ay agad sinundan ng mga pulis.

Sa Liwasang Bonifacio nagpalipas ng gabi ang mga militante at maaga silang naglunsad ng programa.

Sinunog nila ang replika ng watawat ng Estados Unidos na sinasabi nilang pasimuno ng imperyalismo.

Kanila ring binatikos ang paggugol ng bansa ng bilyon-bilyon para sa Asia-Pacific economic leaders’ meeting na anila’y pinakikinabangan lamang ng mayayamang bansa at mga negosyante. 

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *