Friday , November 15 2024

Hustisya sa Malaysian na pinugutan ng ASG (Sigaw ng pamilya)

UMAASA ang pamilya ng Malaysian hostage na si Bernard Then Ted Fen na agad maiuuwi sa lalong madaling panahon ang kanyang bangkay makaraang pugutan ng Abu Sayyaf group (ASG).

Ayon sa kanyang kapatid na si Christopher, nananawagan siya sa gobyerno ng Malaysia at sa Filipinas na mas palawakin pa ang paghahanap sa naiwang bangkay ng kanyang kapatid.

Dagdag niya, nananalig at nagpapatuloy silang nagdara-sal sa nakalipas na 188 araw kasabay ng masasamang balita na kanilang natatanggap hinggil sa kalagayan ng kanilang kapatid bagama’t bigo silang maisalba sa kamatayan ang kaanak.

Hustisya ang hinihingi ng pamilya ni Fen laban sa mga responsable sa kanyang pagpatay.

Dagdag ni Christopher, makatatanggap naman sila ng pinansiyal na tulong mula sa gobyerno ng Filipinas.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *