Friday , November 15 2024

Indonesia nag-sorry sa ‘di makontrol na haze

HUMINGI ng paumanhin si Indonesian Vice President Jusuf Kalla sa perhuwisyong dulot ng haze mula sa forest fires sa kanilang bansa.

Ang naturang haze o usok ay bumalot sa Southeast Asia.

Si Kalla ang kinatawan sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) 2015 ni Indonesian Pres. Joko Widodo dahil hindi  nakarating ang pangulo para sa ilang mahalagang appointment.

Sa kanyang pagharap sa APEC-CEO Summit, nag-sorry rin si Kalla sa mga karatig na Singapore at Malaysia na higit  naapektohan ng haze.

Paliwanag ni Kalla, hirap makontrol ang haze bunsod ng hangin. Hindi kasi aniya kayang kontrolin ng tao ang hangin.

Ayon pa sa Indonesian official, malala lang ang haze ngayong taon dahil sa El Nino na mas mahaba ang dry season.

Inihayag ni Kalla, ngayong taon ay sisimulan ng Indonesia ang malaking proyekto ng ‘reforestation.’

Ito ang nakikitang solusyon ng Indonesia sa taunang problema sa haze kaya kailangan nila ng international cooperation.

Umaasa rin ang Indonesia na magiging tagumpay ang climate change conference sa Paris sa susunod na buwan para  makatulong sa problema.

Nabatid na maging sa ilang bahagi ng Filipinas ay umabot na rin ang haze mula sa Indonesia.

About Hataw News Team

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *