KINOMPIRMA ng Russian security officials na ang pagbagsak ng isang eroplano sa Sinai nitong Oktubre ay dahil sa sumabog na bomba, ito ay makaraang may matagpuang explosive traces sa nawasak na sasakyang panghimpapawid.
Ayon sa Russian media, naniniwala ang security officers na maaaring itinanim ang bomba sa loob ng eroplano ng isang Sharm el-Sheikh baggage handler.
Sinabi ng Egyptian authorities kahapon, ikinulong na nila ang dalawang Sharm el-Sheikh airport employees bunsod nang hinalang tumulong sila sa pagtatanim ng nasabing device sa eroplano.
Ayon sa pinuno ng Russia’s security service, ang FSB, improvised explosives na katumbas ng 1.5kg ng TNT ang ginamit upang mapabagsak ang eroplano, na ikinamatay ng 224 pasahero nito.
Nakipagkita na si Alexander Bortnikov kay President Vladimir Putin upang ihayag ang ‘findings’ ng mga imbestigador, at ayon sa state media, “We can definitely say this was an act of terror.”
Bilang tugon, iniutos ni President Putin sa Russian special forces “find and punish” ang mga responsable sa pagbagsak ng eroplano, at inianunsiyo ang $50m (£33m) reward kapalit ng impormasyon na makatutulong para maaresto ang mga terorista.
Kasabay nito, hiniling ni Pres. Putin na mapalakas pa ang military involvement ng Russia sa Syria. Ayon sa RT, sinabi ni Pres. Putin, “Our military work in Syria must not only continue. It must be strengthened in such a way so that the terrorists will understand that retribution is inevitable.”