Abogado sa QC Hall pang-zoo ang peg
Jethro Sinocruz
November 17, 2015
Opinion
PUWEDE na palang ikural sa zoo ang isang abogadong nakatalaga sa Quezon City Hall dahil sa dual identity niya pagdating sa pangungurakot.
Kasi naman bukod sa pagiging buwitre raw niya sa pangungulimbat, mistulang buwaya rin umano ang kanyang asal sa kanyang kakampi.
Kung magugunita, ibinulgar natin ang pamimitsa ni abogago ehe! abogado pala sa mga taxpayer na nagkakaproblema ang kanilang permit at hinihingan ng P 200,000 hanggang P2 milyon depende sa sitwasyon.
Buwitre talaga kung kumana.
Jejejejejejeje.
Ang masakit nito, nagkakaroon na ng amnesia si sir kapag natapos na ang transaksiyon at makuha nito ang perang pang-areglo sa papeles.
Meganun?!
Baka naman pumalo ulo niya sa adobe!.
Bulong ng Hunyango, minsan may inilapit na taxpayer ang isa sa mga kasabwat ni FL at prinesyohan ng P2 milyon para mailusot ang permit niya.
Bago ito, nag-usap muna ang dalawa para sa partehan at dito napagkasunduang bibigyan ng 10 percent ni FL ang kasabwat niyang matikas din sa areglohan.
Jejejejejejeje.
Ayos ang buto-buto!
Heto na ngayon ang masaklap, matapos makuha ang pera at maayos ang permit ng taxpayer na kanilang nabiktima biglang nagkalimutan na sa kasunduan nila ng kanyang kapartner!
Bwar har har har har har har!
Buwitre na Buwaya pa!
Puwede na ngang dalhin sa zoo!
Napag-alaman pa natin na hanggang sa kasalukuyan bumubula ang bibig ni ‘kasabwat’ laban kay abogado dahil sa ginawa sa kanya at ‘di na makapagkakatulog
Ikaw ba naman ang mawalan ng P200k e!
O kayo riyan na matitikas sa Quezon City Hall kilala n’yo ba si Atorning Buwitre na Buwaya pa?!
Esep-esep!