Monday , December 23 2024

Loveteam nina Maris Racal At Marco Gumabao at ligawan nina Rommel at Sylvia Sa ‘Ningning’ patok sa TV viewers

111615 Maris Marco Rommel Sylvia Ningning
BUKOD sa good vibes, na hatid tuwing umaga ni Janna Agoncillo sa Ningning kasama ang kanyang tatay Dondon (Ketchup Eusebio), Mamay Pacita (Sylvia Sanchez) at si John Steven de Guzman (Macmac) na kanyang kaibigan at schoolmate sa pinagbibidahang daytime comedy drama serye sa ABS-CBN, patok rin sa TV viewers ang loveteam nina Maris Racal at Marco Gumabao bilang Nina at Pido.

Ang drama nitong si Maris ay dine-deadma ni Marco dahil ayaw niyang paligaw sa lalaki kaya tuwing magka-chat sila sa FB ay lalaki ang pakilala niya sa kanyang sarili. Pero mapipigilan ba ni Nina si Pido lalo’t makulit na makilala siya? Kung love and hate ang magiging drama ng dalawa sa Ningning aba’y sobrang makulay naman ang mundo ni Mamay Pacita dahil nagtapat na nang pag-ibig sa kanya ang negosyanteng si Mang Cris (Rommel Padilla) na non-stop ang panliligaw at madalas magpadala ng tinda niyang barbecue sa bahay niya with matching love notes pa.

Pero teka paano na si Dondon, na matagal na ring biyudo sa kanyang misis na si Lovely (Beauty Gonzales)? Makatagpo na kaya siya ng bagong babaeng mamahalin sa katauhan ng teacher ng kanyang anak na si Ningning na si Hope na ginagampanan naman ni Ria Atayde?

Bakit hindi e, close na rin si Dondon kay Teacher Hope at sa lolong si Kiko (Freddie Webb). Si Otep (Vandolph) pala inaalok na ng kasal ang nobyang si Ligaya (Mercedes Cabral). O di ba, hindi lang family drama ang kuwentong tinatalakay sa Ningning kundi ang buhay pag-ibig ng mga character na nagsisiganap rito. May aral ding hatid ang Ningning lalo na sa mahihirap na pamilyang Pinoy na hindi porke mahirap ay wala nang karapatan na maging masaya. Naisasalarawan nang buong-buo ni Direk Jeffrey Jeturian ang realidad ng buhay kaya marami ang sumusubaybay sa kanilang palabas na mapapanood Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kris TV sa ABS-CBN Prime-Tanghali.

Feel good soap opera gyud!

MARK LAPID PASOK SA MAGIC 12 SENATOR BASE SA RMN SURVEY

PASOK at umakyat na sa magic 12 senators si senatorial candidate Mark Lapid batay sa RMN 2016 elections survey.

Halos naungusan pa ni Lapid na makapasok sa magic 12 ang re-electionist senators at senatorial candidates na sunod-sunod na ang political at campaign ads sa mga radio at telebisyon at maging sa social media.

Dahil dito, ganoon na lamang ang lubos na pasasalamat ni Lapid sa tiwala at suportang ipinagkakaloob sa kanya ng publiko.

Batay sa survey, si Lapid ay nakakuha ng 21.76 percent sa Calabarzon, 26.90 percent naman sa Central Luzon, 20.15 sa NCR at sa kabuuan ay may total na 22.73 percent.

Magugunitang bago pa man lumabas ang survey ng RMN, si Lapid ay nasa ika-15 puwesto sa ilang mga survey at halos tatlong bilang o numero ang kanyang tinalon para makapasok sa magic 12.

Ang survey ay ginawa noong Oktubre 25 hanggang Nobyembre 25 nitong nakaraang buwan.

Ay pasok na pasok gyud!

SA PAGKAMATAY NG KANILANG MAMA CLAUDIA AT TIYUHING SI DIEGO, ANGELO AT KAPATID NA SI LIA TATAHAKIN ANG BAGONG MUNDO SA PSY

Sunod-sunod na pasabog at matitinding mga eksena ang napanood sa mga nakaraang episode ng ‘Pangako Sa ‘Yo’ kung saan pagkatapos magkaroon ng komprontasyon sa pagitan nina Amor Powers (Jodi Sta. Maria), Madam Claudia Buenavista (Angelica Panganiban) kasama ang magtiyuhing Angelo (Daniel Padilla) at Bernard Palanca bilang Diego Buenavista at matalo sa eleksyon si Eduardo bilang gobernador ng Punta Verde at makulong sa lahat nang ito bilang ganti sa kanya ni Amor, isang nakagigimbal na tagpo naman ang napanood sa Wednesday (Nov 11) episode ng PSY na nabuko nitong si Diego, na si Claudia pala ang totoong gustong magpapatay sa kanya at hindi ang inaakalang si Amor. Dahil hawak ni Caloy (Joem Bascon) ang lahat nang lihim ng kasamaan niya ay parehong binaril ni Claudia ang dalawa at ipinakitang lupasay si Diego sa tindi ng tama ng balang pinaputok sa kanya ni Claudia samantala si Caloy naman ay nagawa pang magmaneho ng sasakyan kasama ang walang kasing-samang amo (Claudia) at mamaya-maya pa ipinakitang sumabog ang sinasakyan ng dalawa na parehong idineklarang patay sanhi nang aksidente. Habang nagtatanong ang avid viewer ng Pangako Sa ‘Yo partikular ang milyon-milyong KathNiel fans kung buhay pa ba sa serye, sina Claudia at Caloy?

Subaybayan muna ang lahat, ang magkapatid na Angelo at Lia (Andrea Brillantes) sa bagong mundo na kanilang tatahakin sa pagtira nila sa squatter area. Pagkatapos ng pagpapakamatay ni Lia dahil sa hindi matanggap ang nangyari sa kanyang Mama Claudia na ngayon ay nasa ospital pa rin at inaalagaan ng kanyang Kuya.

Ano pa kaya ang daranasin ng magkapatid sa pakikipagsapalaran nilang ito. Si Yna (Kathryn Bernardo) ano na ang mangyayari sa kanila ni Angelo tuluyan na bang magkakahiwalay ang dalawa at si Amor ngayong madalas silang magkasama ni Yna, darating na ba ang takdang panahon sa kanya para malaman ang buong katotohanan na si Yna ay anak niya?

Abangan at pakatutokan ang mas lalo pang mga umiinit na mga tagpo sa PSY, na mapapanood sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng no.1 teleserye sa primetime na FPJ’S Ang Probinsyano ni Coco Martin.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *