Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cabanatuan truck ‘inagaw’ ng Palayan City at Kapitolyo (Politika sa NE umiinit na)

1116 FONTUMIINIT na ang politika sa Nueva Ecija matapos ‘kompiskahin’ ng Palayan City police at ng provincial government ang ten-wheeler truck na pag-aari ng Cabanatuan City.

Sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Lando nagresponde ang engineering team ng Cabanatuan City sa utos ni mayor Jay Vergara sa bayan ng Gabaldon dahil naharangan ng mga batong inagos ng baha ang mga daanan.

Sa isang liham na ipinadala kay Vergara ng mga mamamayan ng Gabaldon, humingi sila ng tulong para tanggalin ang mga nakahambalang na bato at iba pang kalat na delikado sa kanilang kaligtasan at kabuhayan.

Tumugon ang local government pero sa kasagsagan ng clearing operation inaresto ang driver ng truck at kinompiska ang sasakyan na naghahakot ng mga bato.

Pinalaya ang driver na si Bernie Astrera matapos magpiyansa pero nakakabinbin pa rin ang truck sa opisina ng Provincial Environment and Natural Resources (PENRO) hanggang ngayon.

Matapos kasuhan ang Cabanatuan City ng ‘illegal transport of minerals’ ng mga tauhan ni Nueva Ecija Governor Aurelio Umali.

Tensiyonado ang sitwasyon dahil tumangging i-turn over ng PENRO ang sasakyan sa kabila ng pakiusap ng mga abogado ni Vergara.

Kinondena naman ng mga taga-Gabaldon ang pagpigil sa tulong na inihatid sa kanila ng Cabanatuan.

Matagal nang may alitan sa politika ang kampo ni Vergara at Umali.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw News Team

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …