Saturday , May 3 2025

Slaughter vs Fajardo

111215 JuneMar Fajardo Greg Slaughter

SA Linggo ay malalaman na kung kaya na bang tapatan ni Gregory Slaughgter si June Mar Fajardo.

Magkikita sa unang pagkakataon sa season na ito ang dalawang higante sa sagupaan ng Barangay Ginebra at defending champion San Miguel Beer sa Philsports Arena sa Pasig City.

Excited ang halos lahat sa salpukang ito. Kasi naman ay tila lumalabas na ang tunay na husay ni Slaughter sa ilalim ng bagong Barangay Ginebra coach na si Tim Cone.

Kung ipagkukumpara ang mga numero ng dalawang higanteng ito sa unang tatlong games nila sa Philippine Cup, aba’y mas maganda ang mga naitala ni Slaughter.

Ang problema nga lang ay natalo ang Gin Kings sa unang dalawang games nila at sa ikatlong laro kontra sa Alaska Milk sa Dubai ay bahagya lang silang nakaungos.

So, impresibo ang numero ni Slaighter pero hindi maganda ang performance ng kanyang koponan.

Sa kabilang dako, si Fajardo pa rin ang sukatan para sa mga big men lalo’t siya ang itinanghal na Most Valuable Player ng liga sa nakaraang dalawang seasons. Kaya naman siya ang talagang pinaghahandaan ng bawat makasagupa ng Beermen.

Katunayan, ang tsansa ng bawat makalaban ng  San Miguel ay nakasalalay sa kung paano mapipigilan si Fajardo. Kapag napigilan  ito, malamang na mapipigilan din ang koponan.

So, anong gagawin ni Slaughter laban kay  Fajardo?

Actually, hindi na bago ang paghaharap nila.  Maraming beses na silang nagtagpo sa Cebu. At sa unang yugto ng kanilang career, naungusan nga ni Slaughter  si Fajardo. Nakahabol lang at nakaangat si Fajardo nang una siyang umakyat sa PBA.

Kaya naman inaasahang makakadikit din si Slaughter at muling magiging maigting ang duwelo ng mga higante.

SPORTS SHOCKED – Sabrina Pascua

About Sabrina Pascua

Check Also

PSAA Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

Philippine Schools Athletics Association aarangkada na

KABUUANG 10 koponan sa pangunguna ng Philippine Christian University -Manila ang sasalang sa opisyal na …

LA Cañizares Tao Yee Tan Padel Pilipinas

Padel Pilipinas, Kampeon sa Pro Mix ng APPT Kuala Lumpur Open

NAGPAMALAS ng husay ang ating mga atleta matapos masungkit nina LA Cañizares at Tao Yee …

Mark Anthony Fernandez Joms Cup Okada Manila Motorsport Carnivale 2025

Jomari nang makulong sa ilegal na pangangarera — That started my advocacy for road safety and to promote legal racers

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BATAMBATA pa si Jomari Yllana nang mahiligan ang pangangarera, Gwaping days pa ‘ika niya. Sa …

Ronald Dableo Chess

Dableo, pangalawa sa Sydney standard tournament

NAGTAPOS bilang ikalawa si International Master Ronald Dableo ng Filipinas sa Sydney International Open 2025 …

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PNVF-MVP partnership pinagtibay

PORMAL nang ipinahayag ng MVP Group, na pinamumunuan ni chairman at matatag na tagasuporta ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *