Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, too young daw para maging Darna; Nadine, malaki ang tsansang lumipad!

111015 nadine lustre liza soberano

00 fact sheet reggeeMUKHANG tama nga ang sitsit sa atin ng nakausap naming executive Ateng Maricris na wala pang napipiling Darna dahil lumutang ang pangalan ni Nadine Lustre bilang isa sa pinagpipilian.

Nabanggit din sa amin ng taga-Dos na, “too young” daw si Liza Soberano para maging Darna at isa nga sa sinu-survey din si Nadine.

Hmm, hanggang Pebrero 2016 pa ang On The Wings of Love kaya mahaba-haba pa ang pilian kung sino si Darna? Kaya ba lumutang din ang tsikang paghihiwalayin na sina Nadine at James Reid as love team dahil may ibang ipapareha sa aktres? Kasi nga magiging suporta lang si James kay Darna na sa kanya ang sentro ng istorya.

Ang tanong, papayag ba naman ang ABS-CBN na hindi nila contract star ang gaganap na Darna dahil taga-Viva si Nadine?

Hmm, parang si Anne Curtis din lang kung sakali na taga-Viva pero siya ang gumanap na Dyesebel na naging pahulaan pa noon kung sino ang napili.

Bukod dito ay kumalat na rin sa social media ang mukha ni Nadine na naka-Darna costume. Ikaw Ateng Maricris, sino ang type mong maging Darna?

Speaking of Nadine, click na click sa Youtube ang ipinost na blooper nila ni James habang nagte-taping ng OTWOL na sumasayaw sila. Ipinakita kung gaano na talaga sila ka-close at walang hiyaan sa isa’t isa kahit na inabot na sila ng madaling araw.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …