Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Abogado ng Qc Hall iniilagan

THE WHO logoTHE WHO ang abogado sa legal division ng Quezon City Hall, na hanep kung kumita ng kamal-kamal na kuwarta.

Kuwento ng alaga kong Hunyango, parang buwitre raw kung mamerhuwisyo si SIR na nakatalaga sa isang departamento ng QC Hall dahil talaga namang pinahihirapan nang husto ang taxpayers.

Bulong sa atin, laging inaabangan ng halimaw na abogado ang mga taxpayer na nagkakaproblema sa kanilang permit dahil ‘di raw barya-barya ang hinihinging pang-areglo sa papeles.

Nalintikan na!

Sumbong pa, halos ‘di na nagagampa-nan ni SIR ang kanyang trabaho sa legal division dahil mas inaatupag raw ang pagiging fixer sa kanilang departamento.

Ayos! Mautak talagang abogago! ‘Este abogado pala.

Hehehehehehehehehe.

Akalain mo may suweldo na siya bilang abogado sa legal division may sahod pa sa pagiging fixer nito!

Sa’n ka pa?!

Bwar har har har har!

Napag-alaman pa natin na ang pinaka-mababang singil ni SIR sa ayusan ay P.2-M at ang pinakamahal naman ay P2 milyon lang! Dos por dos pala ‘yan ha!

O ‘di ba mababa lang ang kitaan? Kaya nga buwitre kung manalasa e!

Dahil dito maraming taxpayer na naglalakad ng papeles sa naturang departamento ang iniilagan si SIR sa takot na mamuraot sila.

Kaya nga as in iniilag-ilagan nila talaga.

Ilag dito ilag doon, basta iniilagan na lang nila para ‘di sila madagit ng matatalas na kuko ng buwitre.

Tama ‘yan ilagan n’yo na lang para ‘di kayo maperhuwisyo.

Ang style pa ni attorney ay ganito “take it or take it!”

Kumbaga wala kang pagpipilian kundi patulan ang kanyang alok kasi natatakot ang taxpayers na harangin ang kanilang papel sa oras na ‘di sila pumayag.

Hehehehehehe.

Walang kawala!

Sino si abogadong iniilagan?!

Magtanong-tanong kayo riyan sa City Hall kung sino si abogadong iniilagan!

Abangan ang kasunod!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …