Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa mga taong nanakit kay Jessy — You can really forgive, but you can’t forget

101015 jessy mendiola

00 fact sheet reggeeSPEAKING of Jessy Mendiola, siya ang bagong pasok sa gag show na Banana Split na magiging Banana Sundae na dahil mapapanood na ito tuwing araw ng Linggo na hindi pa alam kung anong time slot.

Maraming nagsabing katoto na good move ito para sa aktres para mawala naman ang mga stress niya sa katawan dahil hindi naman lihim sa lahat ang mga pinagdaanan niyang isyu nitong mga huling araw.

Ayaw na lang pag-usapan ni Jess yang mga ito dahil tapos na at huwag ng ibalik ang nakaraan, move forward na kumbaga.

In fairness, ang saya-saya ni Jessy sa ginanap na presscon ng Banana Sundae dahil tawa siya ng tawa at kahit na binu-bully siya ni Angelica Panganiban bilang baptism of fire ay okay lang sa kanya dahil handa siya na ganito talaga ang samahan sa Banana Sundae.

Pero pagkatapos ng Q and A ay hindi pa rin naiwasang hindi tanungin si Jessy kung kanino siya humuhugot ng lakas sa mga pinagdaanan niyang intriga kamakailan.

“Sa nanay ko,” mabilis na sabi ng dalaga.

Dagdag kuwento pa ni Jessy, “sobrang saludo ako sa nanay ko, for a time hindi kami nagkikita ng nanay ko, tapos ‘yung ginawa niya ‘yung interviews na ‘yun o kaya nagsalita siya or wala siyang pakialam, nang-aaway pa nga ‘yung nanay ko sa Instagram para lang ipagtanggol ako, bilib ako sa kanya, as in saludo ako kay mama, wala siyang pakialam, ma-bash siya, ma-hate siya okay lang.”

Hindi naman daw nabahala si Jessy sa bashers ng ina, “nakatatawa nga kasi hindi lang isang isyu ang bina-bash sa kanya, marami so, parang nasasanay na lang ako, kasi damn if you do, damn if you don’t. If you’re not going to do it, may sasabihin sa ‘yo, gagawin mo, may sasabihin pa rin, so might as well I do what I want to do.”

At isa pang nakatulong kay Jessy ay ang mga taong hindi niya kakilala ang nagsabing, “we believe in you.”

Nagpasalamat din ang dalaga sa mga kasamahan niya sa showbiz, sa Star Magic, sa handlers na suportado siya kaya madali raw siyang nakabangon sa mga isyung nangyari noon.

Sa tanong kung napatawad na ni Jessy ang mga taong nanakit sa kanya.

“You can really forgive, but you can’t forget, o baka sabihin ng iba, bitter ako. Hindi ba ‘pag may nagyari sa ‘yo na sobrang sama, traumatizing, hindi mo naman agad-agad male-let go iyon.

“Kung sinong naagrabyado mo (tao), you have to give her time to heal na, at nasa moving on process ako kaya hayaan na muna,” katwiran ng dalaga.

Sa kabilang banda, natanong din kung may komunikasyon pa rin sila ng ex-boyfriend niyang si JM de Guzman, “yes I do.”  Sa tanong kung magkaibigan pa rin sila, “yes.”

Hindi itinanggi ni Jessy na kaya nananatili silang magkaibigan at may komunikasyon ng aktor ay dahil, “mahal ko siya.”

Sa tanong ni Ateng Maricris na ‘mahal ni Jessy si JM, pero kailangan niyang i-let go ang relasyon nila, “may mga bagay lang siguro kaming dapat i-prioritize now, I mean like me, ang dami ko ring blessings na dumarating, ‘am sure, siya rin.”

Dagdag pa, “siguro ang mga bagay na hindi para sa ‘yo, huwag na lang ipilit.”

Diretsong tanong kung ano na ang status ng relasyon nina Jessy at JM ngayon, “siya na lang tanungin n’yo. ‘Pag nakontak n’yo, tanungin n’yo,” tumatawang sabi ng dalaga.

Paano makokontak si JM, eh, nawawala nga pati sa seryeng All Of Me, waley na rin dahil bumalik na si Albert Martinez.

Hindi itinago ng babaeng nagmamahal kay JM na apektado talaga siya sa nangyayari at inaming, “naiiyak nga ako, eh, kayo talaga pinaiiyak n’yo ako, mabuti na lang walang (TV) camera.” At ipinapanalangin daw lagi ni Jessy si JM, “kasi mabuti siyang tao.”

Naniniwala kaming mabuting tao naman talaga si JM dahil ilang beses na rin namin siyang nakausap at ramdam mo ang sensiridad niya, sadyang naging mahina lang talaga siya sa mga tukso ng mga taong nakapaligid sa kanya.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …