AKALA namin ay magtatagal hanggang sa matapos ang PBB si Vhong Navarro. Noong hindi kasi ito palabasin ni Kuya, may drama pa silang ipinakuha ang maleta at sinalubong bilang isang housemate.
Pero nang makita namin ito sa opening ng It’s Showtime noong Wednesday, mabilis din siguro niyang nagawa ang task kaya’t gaya ng mga previous hosts na twice pumasok sa PBB at nakigulo sa Big 8 housemates (regular and teen editions), exit frame rin ang emote ni Vhong.
Sayang. Mas exciting sana kung nanatili ito roon kahit hanggang Friday lang before the big night on Saturday.
Sa totoo lang, nagkaroon ng bagong excitment at kulay ang show noong may mga ganoong gimik na nagmistulang “two-in-one” show sa noontime ng ABS-CBN.
Kung noon pa sana nila ‘yun naisip gawin at pinalago ang konsepto eh ‘di sana…hay!
AMBETIOUSLY – Ambet Nabus